Kris top endorser pa rin sa Pinas, pasok sa latest survey ng mga ahensya | Bandera

Kris top endorser pa rin sa Pinas, pasok sa latest survey ng mga ahensya

Cristy Fermin - February 04, 2019 - 12:25 AM


MARAMING nagduda nu’n na baka sa kalalabas ni Kris Aquino ng mga kuwento tungkol sa kanyang sakit ay kumitid na ang oportunidad sa kanya sa paggawa ng mga commercials.

May nagsabi pa nga nu’n na hindi na siya puwedeng maging endorser ng lotion dahil sa matinding problema niya sa balat. Maraming binabanggit na produktong hindi na bagay sa kanya dahil sa mga pinagdadaanan niyang pisikal na karamdaman.

Pero iba talaga ang karisma ni Kris Aquino, kahit ingudngod na ang kanyang mukha sa lupa ay meron pa ring mga naniniwala sa kanya. Buung-buo pa rin ang kanyang kredibilidad.

Bago matuloy na maging endorser ng kahit anong produkto ang artista ay nagpapa-survey muna ang mga ahensiya. Kailangang malaman ng kumpanya kung magiging epektibo pa rin bang tagapag-endorso ng kanilang produkto ang isang artista.

Panalo pa rin si Kris! Positibo pa rin ang resulta ng survey na ginagawa ng mga ahensiya, kapag siya pala ang endorser ay nata-translate daw ‘yun sa sales o benta ng produkto.

Kaya kahit anong negatibong puwersa pa ang gawin ng iba ay panalo pa rin ang aktres-TV host.

Nag-renew ng kontrata si Kris sa mga kumpanyang hindi nawawalan ng tiwala sa kanya.

Malaki ang ipinangayayat niya, pero ang mahalaga ay siya pa rin ang modelo ng produkto, sa kanya pa rin nagtiwala ang mga may-ari at hindi sila nagpadala sa mga negatibong salita na ipinakakain kay Kris.

Napakasakit nu’n para sa mga nag-iisip na tapos na ang kanyang karera sa paggawa ng TVC. Nakalinya ang mga gagawin niyang shoot ngayon na may bonus pa nga, dahil kasama niya sa ibang endorsement ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, panalo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending