Jessy nagsimula rin sa hirap: Laging cup noodles ang pagkain namin dati
NAGPAKATOTOO si Jessy Mendiola sa latest entry na ipinost niya sa kanyang vlog. Kuha pa rin ito sa pagbabakasyon nila ni Luis Manzano sa Okinawa, Japan kung saan binisita rin niya ang kapatid na si Pam.
Dito, mapapanood ang pakikipag-usap ni Jessy sa kanyang sister na matagal nang naninirahan sa Japan kasama ang asawang Lebanese at anak na si Jasmine.
Halos limang taon nang hindi nagkikita ang magkapatid mula nang magkaroon ng sariling pamilya si Pam.
Una silang nanirahan sa Texas, USA hanggang sa lumipat na rila sa Japan.
Kuwento ni Pam, wala naman daw masyadong nagbago sa kanilang magkapatid, “Wala naman pong nagbago. Oo naman, na-miss kita.”
Inamin din ng kapatid ni Jessy na naging mahirap din ang buhay niya nu’ng nagsisimula pa lang siyang bumuo ng sariling pamilya, “It was very hard ‘cause he has to leave for the ship. Binagyo kami and everything I thought I could not make it on my own but I did and I feel like once you’re there in that situation, I’m very sure 100% sure na kaya mo ‘yun.”
Botong-boto rin daw siya kay Luis para kay Jessy dahil alam niyang mahal na mahal ng TV host-actor ang kanyang kapatid, “Nakikita ko naman na maalaga si Luis and parang good naman yung combination niyo.”
Dugtong pa ni Pam, “Mas kalmado ka ngayon. ‘Yun nga ‘yung napansin ko mas kalmado ka ngayon, mas nag-mature ka. Now you’re like more calm, mature, composed.”
Binalikan naman ni Jessy ang paghihirap nila ni Pam noong mga bata pa sila, “Guys alam niyo bang 20 pesos lang ang baon namin araw-araw dati.”
“Alam mo bang nag-survive kami sa cup noodles lang noon, naalala mo ba yun?” singit ni Pam.
Tugon naman ng girlfriend ni Luis, “Palaging cup noodles yung pagkain namin tapos nag-aagawan pa tayo. Ang layo na ng difference ng buhay natin ngayon saka before. Ito ‘yung proof na everything will turn out well.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.