Billy sumobra na ang kapayatan, nagpakonsulta agad sa doktor

By Reggee Bonoan February 01,2019
share this

Billy sumobra na ang kapayatan, nagpakonsulta agad sa doktor

By Reggee Bonoan February 01,2019
share this

BILLY CRAWFORD

BIGLANG nawala sa World of Dance Philippines stage si Billy Crawford pagkatapos ng presscon nila kasama sina Luis Manzano, Pia Wurtzbach, Maja Salvador at Gary Valenciano.

Gusto sana naming malaman ang dahilan ng tila biglang pagbagsak ng katawan ni Billy. Payat na siya sa TV kaya mas payat siya sa personal nang makita namin sa taping ng WOD.

May nagbulong sa amin na naalarma rin ang mga taong nakapaligid kay Billy kasama na ang asawang si Coleen Garcia kaya nagpa-blood exam na raw ang TV host at kung tama ang dinig namin ay kahapon nang umaga niya makukuha ang resulta.

Sabi pa sa amin, “Siguro stress si Billy kasi maysakit ang dad niya, ang dami niyang iniisip ngayon.”

Anyway, naniniwala kaming baka nga stressed si Billy at wala naman siyang iniindang sakit dahil sa pagkakaalam namin ay healthy living naman ang TV host.

Samantala, isa sa judge ng World of Dance Philippines si Billy at may karapatan naman siyang maging hurado dahil magaling siyang sumayaw at inamin din niyang si Gary Valenciano (na isa rin sa mga hurado) ang dahilan kung bakit nagpursige siyang matutong sumayaw.

“Interesting, this is the reason why I got into dancing, I’m just being honest, it’s kuya Gary. I remembered being 4 and a half years old at the Music Museum at that time (concert ni Gary) at ang laki pa ng shoulder pads niya at medyo afro pa siya ng konti that’s why I realized na, ‘I want to be like him!’

“And then through kuya Gary and because of his influences din, may Michael Jackson, Elvis Presley, James Brown and all those performances at natutunan ko ring mahalin ‘yung scenario,” pagbabalik-tanaw ni Billy.

Napansin din ng iba na sa tatlong hurado ng WOD PH na sina Maja at Gary ay si Billy ang medyo mababa magbigay ng scores sa contestants dahil ang katwiran niya, “There’s a room for improvement or I want to see more from them.”

Ang World of Dance ay tatlong linggo pa lang umeere pero pumalo na agad sa 32.3% sa ratings game nitong Enero 13 at nag-trending pa.

Marami pang dance acts ang dapat abangan sa World of Dance Philippines tuwing Sabado at Linggo, 7:30 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending