Bela Padilla gustong mag-audition para sa remake ng mermaide series na ‘Marina’
MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang possible remake ng mermaid series noon ng ABS-CBN na Marina.
Makalipas ang 15 taon, lumikha muli ng ingay ang nasabing fantasy-drama series ng Kapamilya Network na pinagbidahan ni Claudine Barretto matapos mapabalita na magkakaroon na rin ito ng bagong version sa TV.
Mas lalo pang na-excite ang mga netizens sa nasabing proyekto nang mismong si Bela Padilla ang nag-tweet kung maaari siyang mag-audition para rito.
Tweet ni Bela, “Can I audition for this?” matapos ilabas ng Star Cinema ang online poll na, “Would make a splash as Marina? It’s definitely a role we’d love to see again.”
Marami naman ang nagkomento na sana raw ay si Bela ang makuha ng ABS-CBN para gumanap sa bagong version ng Marina na idinirek noon ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Komento ng isa niyang follower, bagay na bagay sa kanya ang maging sirena dahil palagi siyang nasa dagat.
May iba naman na nagsabing bagay din ang role kina Julia Montes, Julia Barretto, Maja Salvador at Pia Wurtzbach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.