‘Just Once’ singer James Ingram pumanaw na sa edad 66
SUMAKABILANG-BUHAY na ang legendary R&B singer na si James Ingram. Siya ay 66.
Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ng international singer habang isinusulat ang malungkot na balitang ito.
Bumaha agad ng mensahe ng pakikiramay sa social media para sa mga naulila ni James Ingram na isa sa mga hinahangaan ng mga Pinoy dahil sa kanyang mga classic hits tulad ng “Just Once”.
Isa sa mga unang nakisimpatya at nakiramay sa pamilya ni Ingram ay ang kanyang kaibigang producer at direktor na si Debbie Allen. Sa kanyang Twitter account, ibinalita niya ang pagpanaw ng singer kagabi.
Tweet ni Allen: “I have lost my dearest friend and creative partner James Ingram to the Celestial Choir.
“He will always be cherished, loved and remembered for his genius, his love of family and his humanity.
“I am blessed to have been so close. We will forever speak his name.”
Bukod sa “Just Once” ilan pa sa mga hindi malilimutang kanta ni Ingram ay ang “Baby Come to Me” (duet with Patti Austin), “I Don’t Have the Heart,” “Yah Mo Be There,” at “Somewhere Out There” (duet with Linda Ronstadt).
Isa siya sa mga kilalang international singer na na-nominate ng mahigit 10 beses sa Grammys kung saan dalawang awards ang kanyang napanalunan, ang Best Male R&B Performance para sa “One Hundred Ways” noong 1981 at Best R&B Performance For A Duo Or Group para sa “Yah Mo Be There” noong 1984.
“Ingram’s rich voice and masterful songwriting has made a lasting impact on the music industry. Our thoughts go out to his loved ones during this difficult time,” ayon naman sa official statement ng Recording Academy ng Grammys.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.