Sperm donor nakilala na nina Liza at Ice: Yung napili namin parang summa cum laude!
MEDYO matatagalan pa bago mabuo ang pangarap na baby nina Ice Seguerra at Liza Diño. Mahabang proseso ang in vitro fertilization kaya kailangang paghandaan ng mag-asawa ang bawat stage o phase nito.
Nakausap namin ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines sa 10th anniversary celebration ng Spring Films na ginanap sa UP Cine Adarna at ibinalita nga niya na nakapili na sila ni Ice ng sperm donor.
“Yes, meron na, its a cryobank in the US. Nakita namin yung profile niya (photos and video), he’s Caucasian, and matangkad. Tsaka yung napili namin parang summa cum laude. So more or less, nakilala na namin yung donor. At ang mangyayari next is ita-transport siya (sperm) para ma-fertilize yung egg ni Ice.
“Yung phase ng pag-implant, tatlong stage, siya eh. So yung pangalawang stage (fertilization) sana soonest na mangyari. Ipi-freeze kasi uli yun. And then kung ano yung sche-dule, kung kelan i-implant sa akin. Pero baka ma-delay lang dahil busy na tayo sa FDCP, so I’m thinking mga December,” paliwanag ni Liza.
So, mga 2020 pa siya mabubuntis bilang surrogate mother? “Oo, kasi di ba 100 years of Philippine cinema so ang daming events? Sorry naka-factor yung trabaho talaga. Kailangan lang kasi talaga yung ginawa kay Ice. Kasi he’s not getting any younger.
“Tapos pabawas na nang pabawas yung pag-produce niya ng egg cells. So kailangan na talagang gawin soon kasi kung next year pa to baka hindi na kaya,” sey pa ni Liza.
Kumusta naman si Ice after ma-harvest ang egg cells niya? “Kumakain na siya! Ha-haha! Okey naman, parang walang nangyari. Ki-0nabahan lang kami noong hindi lumalaki (cells). Siyempre hindi na nga namin iniisip yung gastos kasi you really have to go na. And successful naman, tatlong cells yung nakuha.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.