Pagbaba ng criminal liability sa 12-anyos pasado na | Bandera

Pagbaba ng criminal liability sa 12-anyos pasado na

Leifbilly Begas - January 28, 2019 - 05:11 PM

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbababa sa 12 taon ng Minimum Age for Social Responsibility mula sa kasalukuyang 15 taon.

Sa botong, 144-34 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House Bill 8858 na mag-aamyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.

Ang inaprubahan ng House committee on justice na panukala ay ibaba sa siyam na taon. Pero sa period of amendments ay itinaas ito sa 12 taon. Ayon sa chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon ito ang consensus ng mga miyembro ng Kamara.

“Of course, we would like to get a feel of all the members of Congress. There were many reservations with regard to nine, so we got the majority uniformed it to 12 instead of nine,” ani Leachon.

Sa ilalim ng panukala ay maglalaan ang Kongreso ng pondo upang makapagtayo ng mga Bahay Pagasa kung saan maaaring manatili ang isang menor de edad na nakagawa ng krimen.

Tinutulan ni Marikina City Rep. Miro Quimbo ang panukala na hindi umano makabubuti sa lipunan.

“Crime, when committed by a child, reflects not any evil or failure on the part of the child, but rather reflects the evil in his environment and the failure of parents, the State, and society as a whole,” ani Quimbo.

Ang kailangan umanong gawin ay ipatupad ng maayos ang kasalukuyang batas at tugunan ng gobyerno ang kahirapan na ugat ng problema.

Wala naman si Quimbo sa botohan kahapon dahil graduation ng kanyang misis. “As a believer in scientific consensus, a witness to the poor implementation of the Juvenile Justice Welfare Act, and as a father of four children, let us examine more carefully and meticulously the roots of juvenile delinquency.”

Giit naman ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri na “Our children should be nurtured and not tortured.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutol din si Albay Rep. Edcel Lagman sa panukala. “Neuroscientific research documents that the brains of children do not fully develop until their early 20s. Consequently, children between the ages of 12 and 15 do not have complete faculties for discernment to justify their criminal culpability.”

Tinatalakay sa Senado ang kaparehong panukala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending