Extreme wealth’ buwisan para mahihirap matulungan
ISA sa dapat pagtuunan ng gobyerno at ng mga “super-yamang Pilipino” ang sinserong pagtulong para makaangat sa kahirapan ang mas nakararami. Ito’y sa harap ng lumala-king agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa buong mundo kabilang na ang ating bansa.
Sa Oxfam report-2018, meron lamang 28 “super billionaires” na ang kayamanan ay katumbas ng ari-arian ng 3.6- bilyong mahihirap na pamilya sa buong mundo.
Noong 2016, ang super-billlionaires ay 61 at naging 43 noong 2017. Yumaman lalo sila ng 12% samantalang humirap naman ang 3.6 bil-yong katao ng 11%. Ibig sabihin, mas yumaman ang mga pinakamayayaman. At lalong naghirap ang mga pinakamahihirap.
Dito sa Pilipinas, 40 Filipino billionaires ang may kayamanan na katumbas ng higit 30 mil-yong mahihirap na Pi-lipino. Halos 60 percent ng ekonomiya ay napupunta sa top one percent richest families, samantalang ang 99 percent na pamilyang Pilipino ay nagkukumahog araw-araw sa natitirang 40%.
Doon lamang sa top 10 richest Filipinos ng FORBES magazine sa 2018, umaabot sa $51.45 bilyon ang kabuuang kayamanan ng mga nasa listahan sa pangunguna ng yumaong si Tatang Henry Sy hanggang kay sa real estate developer Andrew Tan. Mga kayamanang lumalago ng mula 20% hanggang 30% bawat taon.
Kulang pa ba sa kanila ang mga kayamanang ito? Hindi ba’t “extreme wealth” na o sobra-sobra?
Naalala ko tuloy ang mga super yaman sa Amerika na nagdonasyon sa charity. Si Bill Gates, nagbigay ng $65 bilyon, si American businessman Warren Buffett na nagdonate ng $30.8 bilyon at si Mark Zuckerberg ng Facebook na nangakong i-donate ang kalahati ng kanyang kinikita sa “cha-rity” bawat taon. Mga taong may “extreme wealth” o sobra-sobrang kayamanan na nagdesis-yong tumulong sa kapwa.
Nitong nakaraang mga taon, nakatuon ang gobyerno sa pagsugpo sa tinatawag na “extreme poverty” o iyong sobrang kahirapan. Nariyan ang Conditional Cash transfer at iba pang programa para tulungan ang mga pinakamahihirap. Meron nang Universal Health care, libreng college education at iba pang biyaya.
Pero, hindi magwawakas ang “extreme poverty” sa bansa kung hindi tutulong sa kahirapan ang “extreme wealth” o sobrang yaman nating mga super billionaires.
Isa sa mainit na panukala ay ang pagpa-pataw ng buwis sa mga mayayamang ito na ang benepisyo ay dederetso sa mga pinakamahirap. Maari tayong magpataw ng “60% super rich tax” na panukala ni Democrat Rep. Alexaderia Ocasio-Cortez ng New York o kaya’y “wealth tax”, o “15% surcharge” tulad ng 60% sa India.
Kung ang top 10 Fi-lipino billionaires ay merong $51.45 bilyon na kayamanan, malaking pera ang makukuha natin. Ilagay lang natin sa 10% ang “super rich tax”; ito’y $5.145 bilyon o halos P267.5 bilyon bawat taon.
Ano ang magagawa natin sa naturang pera? Puwede nating doblehin ang Pantawid pamilya budget na P137 bilyon bawat taon. Libre na rin ang free college tuition na P40 bilyon kada taon. Tanggal ang lahat ng squatter at sa mga danger areas ng Metro Manila sa pondong P10 bilyon na kasama pa ang pabahay. O kaya’y lakihan natin ang mga pautang kabuhayan sa mga bawat baranggay.
Pag-isipan natin itong mabuti. Kailangang magtulungan lahat maging gobyerno, super billio-naires at mga mahihirap para mas gumanda, mas gumaang at mas masaya ang buhay natin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.