NASAWI ang suspek sa panghahalay sa walong-buwang sanggol makaraan umano nitong mang-agaw ng baril sa himpilan ng pulisya sa Maynila.
Dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Benedicto Dizon, 22, matapos siyang mabaril ng dalawang beses sa dibdib.
Ayon kay SPO3 Richard Escarlan ng homicide section ng Manila Police District, naaresto ang suspek kamakalawa at
ikinulong sa Station 9.
Makaraan ang ilang oras ay dumaing umano ng sakit ng ulo si Dizon kaya inilabas siya ni PO1 Dennis Javier, ang duty jailer.
Dinala si Dizon sa opisina ng station commander kung saan tinanggalan ito ng posas at binigyan ng kape.
Nang makalingat ang bantay na pulis ay tinangka umano niyang hablutin ang baril ng una kaya pinutukan siya ng dalawang beses ni Supt Bobby Glenn Ganipac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.