Mom knows she raised good kids, not perfect, but honest, trustworthy, generous… – Kris
BINIGYAN ng simple ngunit madamdaming tribute ni Kris Aquino ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na ginunita ang kaarawan kahapon.
Nag-post ang Social Media Queen ng video sa Instagram kung saan makikita ang ilang litrato niya kasama ang dalawang anak at mga kapatid na ang background music ay “Kanlungan” ni Noel Cabangon (pero female version).
Ito ang caption ni Kris, “86 years ago pinanganak si Maria Corazon Sumulong Cojuangco. Naging Cory Aquino sya nung October 11, 1954… Ate was born August 18, 1955. Pinky: December 27, 1957. Noy: February 8, 1960. Viel: October 27, 1961. And me, HUMABOL, February 14, 1971.
“Mom knows she raised good kids, not perfect, but honest, trustworthy, generous, and a united FAMILY come what may. Above all, i am proudest that my sisters and i try our very best to be the Moms our Mom was to us. HAPPY BIRTHDAY, Mom.”
q q q
“Grabe na talaga siya!”, “Napakasama niya!” “Sana mamatay na siya!” Ilan lang yan sa mga komentong nababasa naming online tungkol sa karakter ni Thea Tolentino sa Kapuso afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko bilang si Venus.
Talaga naman kasing kasuklam-suklam ang role ni Thea sa serye na gagawin ang lahat para mapunta sa kanya si Gavin (Rayver Cruz) at para hindi mabuking na isa siyang transwoman.
Halos isumpa na rin siya ng fans ni Kris Bernal na gumaganap bilang si Rachel dahil sa pang-aapi niya rito.
Nitong huling episode nga, muling ginalit ni Venus ang viewers dahil nag-hire pa talaga siya ng fake nurse para mailabas niya si Daniel (Matthias Rhoads) at hindi na ito makapagsumbong kay Gavin tungkol sa kanyang mga lihim. Magtagumpay kaya si Venus sa masasama niyang plano? Tutok lang sa Asawa Ko, Karibal Ko after Eat Bulaga sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.