Hirit ni GMA, P350M pambili ng lupa sa squatter | Bandera

Hirit ni GMA, P350M pambili ng lupa sa squatter

- January 24, 2019 - 06:42 PM

HINILING ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa bicameral conference committee na maglaan ng P350 milyon para mabili na at maipamahagi sa may 8,000 pamilya ang lupa sa squatter’s area sa Quezon City.

Sa pagdinig ng Oversight Committee on the National Government Center sinabi ni Arroyo na sumulat ito sa bicam committee upang hilingin ang pondo na ibibigay sa Department of Public Works and Highways para mabili na ang lupa na inuukupa ng mga informal settler sa Brgy. Holy Spirit at makapagpatupad na ng reblocking.

Si Arroyo ang pangulo ng maisabatas ang National Government Center Housing and Land Utilization Act of 2003 (RA 9207) na naglalayong bilhin at hati-hatiin ang lupa na kinatitirikan ng bahay ng mga informal settlers.

Umabot sa 20,000 ang pamilya na natukoy na dapat magbenepisyo sa NGC subalit 11,000 pa lamang ang nabigyan ng titulo. Kulang ang budget na inilalaan ng gobyerno kaya hindi ito natapos.

Inatasan din ni Arroyo ang National Housing Authority upang tapusin na ang listahan ng mga may-ari ng lupa na kailangang bilhin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending