Magnitude 4.3 lindol sa Surigao del Norte

By Leifbilly Begas January 24,2019
share this

Magnitude 4.3 lindol sa Surigao del Norte

By Leifbilly Begas January 24,2019
share this

NIYANIG ng magnitude 4.3 lindol ang Surigao del Norte Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:30 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 43 kilometro sa silangan ng bayan ng General Luna at may lalim na pitong kilometro.

Nagresulta ito sa Intensity III paggalaw sa General Luna at Burgos.

Wala itong inaasahang naging pinsala at magiging aftershock.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending