Piolo sa basher: OK, game suntukan, saan mo gusto? | Bandera

Piolo sa basher: OK, game suntukan, saan mo gusto?

Reggee Bonoan - January 22, 2019 - 12:10 AM

PIOLO PASCUAL

ISA si Piolo Pascual sa mga kilalang celebrities na hindi mapagpatol s amga bashers sa social media dahil ang katwiran niya wala naman siyang mapapala rito.

Pero hindi lahat ng oras ay kaya niyang magpigil base na rin sa huling panayam namin sa kanya sa mediacon ng “SunPIOLOGY TRl0” fun run.

Ayon sa aktor, “Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit na salita baka pumatol ako, eh. Kasi minsan, masasaktuhan ka na wala ka sa mood.”

Nitong nakaraang Linggo, nag-post si Piolo ng litrato sa Instagram kasama ang anak na si Inigo Pascual na may nakasulat sa likuran nilang “Finish Line Run with Sun Life Resolution Run” na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ang caption na inilagay niya sa photo, “@sunlifeph represent:) done with our first resolution run in Jakarta. Perfect weather, great course, awesome people. Next week is Manila’s turn for Sunpiology’s 10th anniversary. See you all on Jan 26, 2019 at Camp Aguinaldo for #sunpiologytr10.”

Pawang magaganda ang mga komentong nabasa namin sa IG post ni Piolo, karamihan ay mga papuri sa relasyon nila ng anak.

Pero may isang netizen (@superleovi) na nagkomento ng, “Mag-amang bakla.”

Dito na hindi nakapagpigil ang aktor kaya ang sagot sa kanya ni Piolo, “Suntukan tayo!” Na sinagot naman ng basher ng, “@piolo_pascual san lugar sige punta ako. Alam ko iblock mo na ako. Hahaha. Ala namang reply San ba place akala ko ba suntukan?”

Ito naman ang reply sa kanya ng aktor, “OK game! San mo gusto???”

Wala namang final na naging usapan ang dalawa kung saan sila magkikita. As of this writing ay hindi pa nakababalik ng bansa sina Piolo at Inigo pero nakasisiguro kaming hindi ito palalampasin ng aktor dahil dinamay na ang anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending