NIYANIG ng dalawangb pagsabog ang Cotabato City alas 9:10 Linggo ng gabi, ilang oras bago ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Senior Supt. Michael Lebanan, acting police chief, dalawang granada ang sumabog sa residential compound ni Judge Angelito Rasalan, 53, Municipal Circuit Trial Court Judge ng Upi, Maguindanao.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente, ayon kay Libanan.
Ayon sa ulat, dalawang lalaki na nakamotorsiklo ang nagbato ng granada sa compound ni Rasalan.
Si Rasalan ay kapatid ni Aniceto Rasalan, executive secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, isang anti-BOL advocate.
Tinatayang nasa 133,000 botante ang inaasahang boboto mula sa Cotabato City, kung papayag ba sila o hindi na makabahagi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.