'Kailangan mabawi ni Kris ang nawalang milyones sa kanyang kaban' | Bandera

‘Kailangan mabawi ni Kris ang nawalang milyones sa kanyang kaban’

Julie Bonifacio - January 20, 2019 - 12:01 AM


TULUY-TULOY ang patutsadahan ng kampo ni Kris Aquino at ng magkapatid na Jesus at Nicko Falcis sa social media. Palaban ang Falcis siblings lalo pa nu’ng naramdaman nilang meron silang mga kakampi.

Feeling victorious pa si Nicko sa kanyang huling mensahe sa social media. Pero ‘di nila naiisip na baka ine-enjoy lang lahat ni Kris ang nangyayari. Walang movie or project sa TV si Kris, and yet, siya lagi ang laman ng mga balita sa social media, radio and print. Kaya ramdam na ramdam pa rin ang presensya ni Kris sa industriya.

After all, hindi siya magiging Queen of All Media for nothing. Kabisadung-kabisado ni Kris ang entertainment press much more kering-keri rin niyang laruin ang socmed.

Ang bottomline ng awayan nila ay ang ina-accuse ni Kris kay Nicko na perang kinuha diumano nito sa kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). Malaking halaga naman talaga ‘yun para ipagkibit-balikat lang ni Kris. Kailangan niya yung mabawi.

And by this time siguro ay napaghandaan na ng mga Falcis kung paano sasagutin sa korte ang mga kasong isinampa ni Kris sa kanila at isoli sa kanya ang perang kinuha raw ni Nicko.

If true na nagalaw ni Nicko ang pera sa kompanya ni Kris, saan naman kaya niya dinala ‘yun? E, ang balita mayaman naman ang pamilya niya, ‘di ba? Well, enough na sana ang patutsadahan at hayaan na lang sa korte ang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending