NAGLABAS ng video ang magaling na Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino para sagutin ang mga netizens na galit na galit sa karakter niya sa GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko Karibal Ko.
Sa nasabing video, ipinaliwanag ni Thea na ginagampanan lang niya kung ano ang hinihingi ng role ni Venus, ang kontrabida sa buhay ni Rachel which is being played by Kris Bernal.
In fairness naman kasi, super affected ang mga viewers sa kasamaan ni Venus na isang transwoman na gagawin ang lahat huwag lang mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal, si Gavin (Rayver Cruz).
Isang netizen ang nagsabi na mas masahol pa siya sa karakter ni Rita Daniela sa seryeng My Special Tatay bilang si Aubrey, “Akala ko si Obri lang ang pokpok pati pala ikaw Venus.”
Resbak naman ni Thea, “Kami ni Aubrey, binibigay lang namin ang effort namin…pokpok agad?”
Ito naman ang comment ng isa pang affected sa pagkokontrabida ni Thea, “Sobrang O.A. at maldita ni Venus.” Na sinagot ni Thea ng, “Pinanganak kasi siyang O.A.”
Samantala, patuloy na naghahasik ng kasamaan si Venus sa AKKK after Eat Bulaga at talagang handa siyang pumatay para hindi mabuking ang tunay niyang pagkatao.
Hindi rin siya susuko hanggat hindi napapasakanya nang buong-buo si Gavin kaya abangan ang mga susunod na pasabog ng palabang transgender na si Venus. Pero siyempre, kailangan n’yo rin tutukan kung paano mabubuking ni Rachel na siya ang dati nitong asawang si Nathan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.