Hiling ni Angelica: Suportahan n’yo ako sa pagmu-move on ko | Bandera

Hiling ni Angelica: Suportahan n’yo ako sa pagmu-move on ko

Ervin Santiago |January 19,2019
facebook
share this

Hiling ni Angelica: Suportahan n’yo ako sa pagmu-move on ko

Ervin Santiago - January 19, 2019 - 12:20 AM

CARLO AQUINO AT ANGELICA PANGANIBAN

Nakiusap si Angelica Panganiban sa kanyang social meda followers na suportahan siya sa kanyang pagmu-move on matapos mabigong muli sa larangan ng pag-ibig.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang mga hugot lines ni Angelica na may konek sa kanyang lovelife. Aniya, “Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na-appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ‘ko ulit.

Totoong nagmamahal na ‘ko. ULIT! MAGDIWANG.”

Kahapon, usap-usapan na naman ang tweet ng Kapa-milya actress na nagpapahiwatig ng kanyang pagiging brokenhearted – na naman.

“Kapag natapos na ang Playhouse, puwede bang suportahan niyo ko sa pag mo-move on? Sa tatlong nakarelasyon ko, sure akong dito ako matatagalan maka move on,” tweet ni Angelica.

Last week, in-unfollow ng dalaga sa Instagram ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino. Naniniwala ang mga fans ni Angelica na ang binata ang ti-nutukoy ng aktres na nanloko at nagpaasa sa kanya. Ito’y ma-tapos kumalat ang mga litrato ni Carlo kasama ang sinasabing totoong dyowa nito.

Kung hindi kami nagkakamali, ang tatlong kilalang celebrities na naging boyfriend ni Angelica ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at si Carlo nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending