Para sa may kaarawan ngayon: Kung makatatanggap ka sa araw na ito ng regalo na kulay red o kaya’y nakabalot sa kulay pulang wrapper tiyak ang magaganap sa buong taong ito 2019 susuwertehin ka sa career, sa salapi at sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 8, 12, 24, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas din.
Aries – (Marso 21-April 19) —Basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy-tuloy ka ng uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, lalong lalakas ang karisma kung laging magsasasama sa kaibigang Scorpio. Mapalad ang 2, 10, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arali-Ibulagdi.” Green at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa taong ito ng 2019 piliting makaipon ng maraming pera para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag handaan na ang pagdating ng isang kasuyong Virgo. Mapalad ang 1, 10, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Maawa ka naman matagal na siyang umaasa sa iyo at natitigang, diligin mo siya ng pag-ibig ng lambing at pagmamahal. Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang biglang mahahawakan. Mapalad ang 1, 14, 23, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja-Om”. White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang hindi inaasahang matatanggap. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Isipin mo na lang darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang wag masira ang relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Nahuhulog ang bunga sa sanga kapag sorbang dami na. Pero ang kapalaran mo ay kakaiba, habang dumarami ang suwerte at magagandang kapalaran, dating at dating pa rin iyan, hanggang sa lalo ka pang uwertehin at pagpapalain ng langit. Kapag maraming-marami ka ng grasyang natatanggap, ipamigay ito sa mga mahihirap, upang lalo kang sumagana at lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Nanlalamig ang kasuyo painitin siya sa pamamagitan ng romansa, sipagan pang lalo ang pakikipagniig. Sa pinansyal, habang umiigting ang libido lalo namang lalago ang kabuhayan. Mapalad 3, 18, 27, 37, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, wag sayangin ang salapi sa mga taong hindi mo naman masyadong kakilala. Mas mainam kung higit mong ipapriority ang iyong mga kadugo at kapamilya. Mapalad ang 3, 18, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung medyo nabwasan ang ipon mo nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, wag malungkot sa taong ito ng 2019, lalo pang darami ng darami ang pera at ang mga biyaya mong matatatanggap, dahil ang taong 2019, ay itatala bilang isa sa pinaka-mapalad mong taon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat mamahinga ubusin ang araw at oras sa pagta-trabaho. Sa ganyang paraan lalo kang uunlad hanggang sa marating mo ang matagal mo ng pangarap na pagyaman. Sa pag-ibig muling kalingain ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 9, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa pinansyal, sa buwan ng Pebrero hanggang Marso magsisimula ng umangat ang kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon pa lang iplano na ang Valentine date. Muling balikan ang mga lugar na una niyo nang pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang samasama at nagmamahalang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at pink ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.