Carlo may girlfriend na pala, niloko nga lang ba si Angelica? | Bandera

Carlo may girlfriend na pala, niloko nga lang ba si Angelica?

Ervin Santiago |January 17,2019
facebook
share this

Carlo may girlfriend na pala, niloko nga lang ba si Angelica?

Ervin Santiago - January 17, 2019 - 03:58 PM

KALAT na ngayon sa social media ang litrato ni Carlo Aquino na may kasamang non-showbiz girl.

Ayon sa mga netizens, ang babaeng kasama ng Kapamilya actor sa nasabing Instagram photo ay si Trina Candaza.

Base sa kanilang mga litrato together na nakita namin sa social media at kuha sa iba’t ibang okasyon, mukhang matagal nang magkakilala ang dalawa.

Isa sa mga photo na ito ay ipinost ng netizen sa IG na may handle name na cargel_pabaliw. Caption niya sa nasabing litrato, “Para sa mga nagttanong sino c trina April p daw naging sila ni carlo bago p exes baggage sila na pero hinihintay dn kasagutan eto b totoo o haka2 lng.”

Dahil dito, na-bash nang todo si Carlo, lalo na ng mga fans nila ni Angelica Panganiban na umaasang magkakabalikan ang dalawa.

Ayon kay @joviemed_kuwait_solid_angel, “Dapat iparamdam sa kanya ang galit ng CarGel fan niloloko niya tayong lahat bat siya lambing lambing kay Angge may GF pala siya!”

Komento naman ni @joestonecold, “Sa ugali niya na manggagamit di malayo yan baka nga isa yan sa dahilan ng 7 years niya na GF lumayo may araw ka din liwanag ng emperno yang kakapalan ng mukha mo sulitin mo lumabas ka harapin mo kaming lahat.”
_akiaki1110

Ito naman ang hugot ni @joviemed_kuwait_solid_angel, “Hindi inisip ni Liwanag (tawag kay Carlo) ng emperno yan momsh walang kwenta sa kanya pagkakaibigan nila lahat ng sinabi niya kasinungalingan lahat bilog lng niya tayo.”

Comment naman ng fan ni Carlo, “Fans lang tayo kaya wala na dapat tayong angal kung sino ang gusto ni Carlo idate, tyaka siguro for plugging the movie lang yung kasweetan nila ni ange sa TV. At baka Binubuild up lang sa madla yung Cargel para sa shows. Basta ko masaya ko makita sila sa TV at movie.”

Nitong nakaraang araw, nag-tweet si Angelica tungkol sa estado ng kanyang puso. Aniya, “Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ko ulit. Totoong nagmamahal na ko. ULIT!!! MAGDIWANG!”

May isang netizen din ang nam-bash kay Angelica kamakailan na nagsabing, “Grow up Angge. Pag-usapan niyo ‘yan ni Carlo. ‘Wag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakaduda rin if gaano ka ka-genuine mag-care for Carlo. Kung ano ang kinadaldal mo, kinatahimik niya. Jusko para kayong 13, 14 ulit. Hoy, 33, 34 na kayo. Act your age.”

Ito naman ang resbak ng aktres sa kanya, “Wow. Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko magsasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko (sic).

“Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. I will act my age po. Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding Carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po siya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa ni Angelica sa mga hater, “Happy po? Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pakekelam ninyo. Nasaktan na din ako. So tama na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending