PINAWI ng Department of Health (DOH) ang pangamba kaugnay ng umano’y outbreak ng meningococcemia sa bansa.
Nagpalabas ang DOH ng pahayag matapos namang kumalat sa social media ang outbreak ng mapanganib na sakit matapos umanong mamatay sa meningococcemia ang dalawang-anyos na batang babae sa Valenzuela City.
Niliwanag naman ng DOH na patuloy pang iniimbestigahan ang pinaghihinalaang kaso ng meningococcemia matapos namang kakitaan ang biktima ng sintomas ng sakit.
Isinugod ang bata sa ospital bagamat idineklarang dead on arrival.
“Our team has collected laboratory specimens and is still awaiting results, as of this writing. We are closely coordinating with our regional office for contact tracing,” ayon pa sa DOH.
Tiniyak ng DOH na nagsasagawa na ng
post-exposure prophylaxis sa mga indibidwal na nakahalubilo ng biktima.
Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, pagsusuka, mga pantal, at pagtatae.
Nauna nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na negatibo naman ang pasyente sa meningococcemia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.