Angel kay Loisa: Parang mas maganda naman siya sa akin... | Bandera

Angel kay Loisa: Parang mas maganda naman siya sa akin…

Ervin Santiago |January 17,2019
facebook
share this

Angel kay Loisa: Parang mas maganda naman siya sa akin…

Ervin Santiago - January 17, 2019 - 12:01 AM


“PARANG mas maganda naman siya sa akin.” ‘Yan ang sinabi ni Angel Locsin sa grand presscon ng The General’s Daughter patungkol sa co-star niyang si Loisa Andalio.

Isa-isa kasing inilarawan ng Kapamilya actress ang mga kasamahan niya sa TGD at puro papuri nga ang ibinigay niya kay Loisa kaya tilian ang mga fans ng dalaga na nasa presscon.

First time nakatrabaho ni Angel si Loisa na sinasabing malaki ang pagkakahawig sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, “Very excited ako na makatrabaho siya kasi minsan nakikita ko yung post ng fans na nagsasabi na medyo may hawig (siya sa akin) nu’ng nagsisimula ako. So tinitigan ko si Loisa sabi ko, ‘Parang mas maganda naman siya kesa sa akin.'”

Dugtong papuri pa ni Angel sa girlfriend ni Ronnie Alonte na kasama rin sa The General’s Daughter, “Sa age niya, yung pagiging professional niya at yung husay niya, nakaka-impress talaga.”

Inamin naman ni Loisa na bata pa lang siya ay idol na niya si Angel, simula pa raw noong gawin nito ang Mulawin (2004), “Dati ko pa po talaga siyang pinapanood, Mulawin pa lang po talaga. Kaya sobrang happy ko po talagang napasama po ako dito.”

Gaganap si Loisa bilang kapatid ni JC de Vera sa kuwento na isa naman sa leading man ni Angel.

Magsisimula na ang The General’s Daughter sa Lunes, Jan. 21 after FPJ’s Ang Probinsyano under Dreamscape Entertainment. Makakasama rin dito sina Maricel Soriano na bilib na bilib sa pagiging action-drama queen ni Angel, Eula Valdez, Tirso Cruz III, Janice de Belen, Paulo Avelino, Albert Martinez, Ryza Cenon at marami pang iba. Ito’y sa direksyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial.

Samantala, going strong pa rin ang relasyon ni Angel sa boyfriend na si Neil Arce. Puring-puri rin ng aktres ang ugali at disposisyon sa buhay ng kanyang dyowa kaya naman click na click pa rin sila.

Matagal-tagal na ring magkarelasyon ang dalawa kaya naman natanong ang dalaga tungkol sa pagpapakasal, “Ang focus ko talaga ngayon is itong trabaho ko ngayon, dito sa The General’s Daughter, mahal na mahal ko itong project na ito kaya dito ko muna ibubuhos ang atensyon ko.”

Inamin din ni Angel na isa si Neil sa mga dahilan kung bakit mas naging makulay at exciting ang 2018 sa kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending