Malditang female celeb nasampolan ng kontrabidang veteran character actress | Bandera

Malditang female celeb nasampolan ng kontrabidang veteran character actress

Cristy Fermin |January 17,2019
facebook
share this

Malditang female celeb nasampolan ng kontrabidang veteran character actress

Cristy Fermin - January 17, 2019 - 12:15 AM


BUMIDA sa isang malaking umpukan ng mga becki ang isang female personality na sa itsura pa lang ay puwede nang tatakan sa noo ng karatulang maldita.

Tama, sa bukas na bukas pa lang ng kanyang mukha ay hindi siya pambida, talagang hanggang sa pagkokontrabida lang ang puwede sa kanya.

Reaksiyon ng isang miron habang pinanonood ang female personality sa isang panggabing serye, “Naku, malapit nang makatikim sa isang veteran actress ang hitad na ‘yan! Talak kung talak dapat ang nangyari sa kanya, mabuti na lang at may namagitan sa kanila!

“Aba, kapag dumarating kasi sa set ang babaeng ‘yan, e, parang inaangkin niya na ang buong mundo! Wala siyang pakialam, basta lalakad siya nang lalakad nang walang pakialam kung sinu-sino ang mga dinadaanan niya!

“Darating ‘yun na nakasuot ng shades na paglaki-laki, lalakad siya nang nakataas-noo, model na model ang dating niya, di ba naman?” unang chika ng aming impormante.

Minsan, kinuha ng produksiyon ang isang magaling na character actress, ilang araw na taping lang ‘yun, mangongontrabida lang siyempre sa serye ang veteran female personality.

“Dumating ang hitad na maldita, wala siyang pakialam na rumampa lang sa set, walang pagbibigay-pugay sa mga dinatnan niyang co-stars.

“E, basta na lang niya dinaanan ang character actress, wala siyang pakialam, ni hindi nga niya tiningnan. Nagkatinginan ang mga miron sa paligid, lahat, e, nag-isip, hindi ‘yun palalampasin ng beteranang aktres!

“Siguradong bibigyan niya ng leksiyon ang babaeng itsura pa lang, e, nagmamaldita na! Mabuti na lang at mabilis ang isang staff. Binulungan niya ang female personality.

“Sabi ng staff, ‘Nandu’n si ____ (pangalan ng veteran actress), bumati ka naman.’ Medyo nag-angat pa ng kilay ang female personality, pero sinunod niya naman ang sinabi ng staff sa kanya.

“Bumati siya sa kontrabidang aktres, ‘Hi, tita!’ Ang sagot sa kanya ng veteran actress, ‘Hello, akala ko, mahina talaga ang mga mata mo!’

“Tuwang-tuwa ang mga nasa paligid, nakatagpo ng katapat ang malditang aktres, sobrang maldita kasi siya!

“Akala mo naman meron siyang maipagmamalaking kung ano, e, hindi naman siya anak ng hari!” pagbibigay ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi siya anak ng king at queen, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending