Janine babaguhin ang mukha sa 'Dragon Lady' | Bandera

Janine babaguhin ang mukha sa ‘Dragon Lady’

Jun Nardo |January 16,2019
facebook
share this

Janine babaguhin ang mukha sa ‘Dragon Lady’

Jun Nardo - January 16, 2019 - 12:05 AM


EXCITED na ang mga fans sa muling pagbibida ni Janine Gutierrez sa isang kakaibang fantasy drama ngayong 2019, ang upcoming GMA Afternoon Prime na Dragon Lady.

Sasabak na naman sa isang matinding challenge ang Kapuso actress sa seryeng ito kung saan gaganap siya bilang isang Filipino-Chinese na hango sa dragon ang itsura. Nasukatan na raw siya ng prosthetics para sa show na ito.

“Sobrang nakakaaliw kasi, ako mismo, fan ako manood ng mga constume tranformations sa internet, ‘yung nakaupo sila sa makeup chair, tapos naka-time lapse ‘yung paglagay ng prosthetics. First time ko na ako naman ‘yung gagawan ng ganu’n.

“Medyo matagal yung trabaho pero pagkakita ko du’n sa results talagang ang galing nu’ng prosthetics and excited akong makita niyo.

“Bukod sa pagiging isang dragon lady na talagang may mysteryo at may kaakibat na fantasy ‘yung anyo niya, lalabas din ‘yung pagiging dragon lady niya sa pagiging matapang, sa pagiging palaban,” kuwento pa ni Janine tungkol sa bago niyang project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending