'Walang dapat ikatakot si Kris, kaya niyang labanan kahit anong uri ng sakit!' | Bandera

‘Walang dapat ikatakot si Kris, kaya niyang labanan kahit anong uri ng sakit!’

Cristy Fermin - January 16, 2019 - 12:15 AM

KRIS AQUINO

MASAYANG lumabas ng ospital sa Singapore si Kris Aquino. Ang mga kinatatakutan niyang kauuwian ng nararamdaman niya ay may positibong resulta.

Alam na niya ngayon kung bakit madalas na tumataas ang kanyang blood pressure, meron na ring sagot kung bakit lumalala ang kanyang allergies, du’n pa lang ay masaya na ang aktres-TV host.

Pero may ilang detalye ng kanyang pagkakasakit na kailangan pang balikan. Apat na beses sa isang taon ay kailangan pa rin niyang magpa-check-up sa Singapore.

Takot lang naman ang pumapatay sa tao. Nauunahan ng takot ang isang senaryong malayo naman sa pagkamatay dahil sa sobrang stress na ating nararamdaman.

May gagastusin si Kris sa kahit anong sakit na umatake sa kanya, hindi na niya kailangan pang mag-ipon ng pampagamot, sa isang iglap lang ay kaya niyang magpaospital. Kahit gaano pa kalaki ang abutin ng kanyang hospital bill ay kayang-kaya niyang bayaran, nasa ganu’ng sitwasyon si Kris, kaya wala siyang dapat ipag-alala sa kanyang sitwasyon.

Nasa kanya na ang lahat ng kaginhawahan kung tutuusin, hawak niya ang lahat ng paraan para masugpo ang kanyang sakit, takot lang ang umaatake sa kanya.

Harinawang magtuluy-tuloy na ang kanyang paggaling. Iwasan niya na ang stress na mismong mga doktor na ang nagsasabing walang gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending