Mga Pagkain na dapat mong kainin para malabanan ang kanser
CANCER Awareness Month ang buwan ng Enero kaya naman pinaaalahanan ang lahat sa panganib ng kanser. Nakakatakot kasi ang sakit na kanser dahil mahirap itong gamutin at iba’t iba ang uri nito tulad ng kanser sa utak, baga, atay, bituka, colon, pancreas at balat.
Narito ang ilang mga pagkain na dapat mong kainin para malabanan ang sakit na kanser:
Green Tea – ang green tea ay may sangkap na catechins na nakatutulong para mapabagal ang paglaki ng tumor.
Pagkain na may curry – ang dilaw na curry ay mabisang panlaban sa pamamaga ng ugat. Ayon sa pagsusuri, nakatutulong ang curry sa mga tao na nagpapa-chemotherapy para mapabagal ang paglaki ng bukol sa katawan.
Luya – ang luya ay nagtataglay ng gingerols na siyang nagpapagaling sa maysakit kaya nakakatulong ito para masugpo ang kanser.
Cabbages o repolyo tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts. Ang mga cabbages o repolyo ay taglay ang sulforaphane at indole-3-carbinols na mabisang panlaban sa kanser.
Bawang, sibuyas at leeks – Ayon sa pagsusuri, ang sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na nakatutulong para masugpo ang kanser sa colon, suso, baga at prostate.
Madilaw at mapulang gulay at prutas – Ang mga pagkaing tulad ng karots, kamote, kalabasa at kamati ay sagana sa beta-carotene, vitamin A at lycopene na maaaring makapigil sa kanser.
Tomato sauce at spaghetti sauce -Ayon sa isang pagsusuri, ang pagkain ng 10 kutsarang tomato sauce kada linggo ay nakatutulong sa pag-iwas sa prostate cancer. Ang pulang spaghetti sauce ay may lycopene na masustansya sa katawan.
Taho at tokwa – Ang soy products tulad ng taho ay tokwa ay may sangkap na genistein na maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer. Makakatulong din ang pag-inom ng soya milk.
Shitake mushroom – Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian na nagpapalakas ng immune system ng katawan.
Matatabang isda – Ang mga oily fish tulad ng tuna, tamban, tilapia at sardinas ay sagana sa omega-3 fatty acids. Makatutulong din ito sa pagbabawas ng pamamaga sa ugat.
Yogurt at mga probiotics tulad ng Yakult – Ang pagkain ng yogurt at pag-inom ng probiotics ay makatutulong sa pagpapadami ng good bacteria (lactobacili) para sa ating tiyan. Maliban sa gaganda ang ating pagdumi makakaiwas din tayo sa stomach at colon cancer.
Strawberries, blueberries at cranberries – Ang mga pagkaing ito ay taglay ang sangkap na ellagic acid at polyphenols na tumutulong sa pagtanggal ng cancer cells sa katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.