Horoscope, January 14, 2019 | Bandera

Horoscope, January 14, 2019

Madam Sophia - January 14, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito laging magpasalamat kay Lord upang lalo pang sumagana ang kabuhayan at madoble ang mga biyayang natatangap. Sa pag-ibig, kahit hindi perpekto ang kasuyo, mahalin pa rin siya ng tapat at lubos. Mapalad ang 5, 16, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Silver at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2019 tuloy-tuloy ang dating ng suwerte. Sa pinansyal, lalong lalago at darami ang kinikita habang lumalamig ang panahon. Sa pag-ibig magi-ging mapalad, at maligaya, hangga’t nakakaya pang iwasan ang mga tuksong dumarating. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2019 sa produktong pagkain kikita ka ng mala-king halaga. Sa pag-ibig, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyong katakamtakam at masarap romomansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong ito ng 2019 higit sa inaasahan ang mga biyayang matatanggap. Ang mahalaga lang lagi mong unahan sa pagising ang bagong araw sa umaga. Sa buwan ng Pebrero biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, sorpresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadarama ng kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhama-Aum-Yoti.” Lilac at purple ang buenas
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito panatiliin ang kapayapaan ng isip at kalooban. Sa payapang kaisipan mas maraming biyayang matatangap sa pagbunga ng buwan ng Pebrero. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang tahimik na lugar. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito tandaang hindi baling maliit ang kinikita, ang mas mahalaga kahit maliit ang kinikita matuto kang magtipid at mag-ipon at siyempre pa, ngayon pa lang paghandaan mo na ang susunod na kapaskuhan. Sa pag-ibig, isang Aries ang lihim na nagnanasa sa iyong kagandahan. Mapalad ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Yellow at black ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ipriority ang pamilya at career, sa ganyang paraan magtatagumpay ka na at patuloy na magiging maligaya ang iyong pakiramdam. Sa pag-ibig panahon na upang kalimutan ang isang illicit love affair na matagal mo na rin namang pinagpasasaan. Maapalad ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Tetra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Sa pag-ibig at pinansyal, kung lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming biyaya ang ihuhulog ng langit sa inyong harapan. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Obre-Aum-Timbre.” Magenta at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, sayang ang kikitain, kung patuloy kang magtatamad-tamaran. Tandaan mong “Ang oras ay may katumbas na malaking halaga ng salapi.” Sa pag-ibig, sipagan at dagdaga pa ang pakikipag-communicate sa kasuyo upang hindi siya mawala sa buhay mo. Mapalad ang 7, 11, 29, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Dosha-Om.” White at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito ng 2019 ugaliing magusot ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sa buong taong ito ng 2019 mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig mataas na at malaking iskor ang ipalalasap sa iyo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa red, ang pink din ay buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2019 sa mga kaibigan ka huhugot ng lakas at ng kakaibang suwerte. Kaya naman ang pagdadagdag ng kaibigan ay dapat ng isagawa. Sa pag-ibig, mahalin pang lalo ang kasuyong Taurus, siya ang lagi ng aagapay sa iyong mga pangarap. Mapalad ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Kaliyuga-Om.” Orange at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung ang iba ay sinusuwerte dahil sa mga kaibigan at kasama sa buhay, ang sa iyo ay kakaiba, kahit wala kang gaanong mga kaibigan at kasama sa buhay, ang suwerte ay kusang bubuhos sa iyong harapa. Ibig sabihin sa taong ito ng 2019, kahit wala kang gawing anumang hakbang, kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit ang suwerte. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Upanisad-Jivada-Om.” Pink at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2019 pangalagaan ang kasulusugan! Iwasan ang bawal na pagkain at mga bagay na makasasama sa pangangatawan, sa halip, dagdagan na ehersisyo araw-araw. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan sa kasuyo ay tiyak ding paraan upang lumakas ang immune system. Mapalad ang 9, 27, 33, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at blue ang buenas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending