Ghost ship sa Siquijor, ginisang kabatiti, adobong utong ng Ilocos tampok sa KMJS | Bandera

Ghost ship sa Siquijor, ginisang kabatiti, adobong utong ng Ilocos tampok sa KMJS

- January 13, 2019 - 12:25 AM


TALAGA namang dapat abangan ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo dahil lumipad mismo si Jessica Soho sa New York upang makapanayam ang newly-crowned Miss Universe na si Catriona Gray.

Kamakailan nga ay umarangkada na sa kanyang Media Tour sa Amerika ang Pinay beauty queen. Sa New York, personal na kukumustahin ni Jessica ang pagsisimula ng reign ni Cat. Paano kaya sasagutin ni Catriona ang mga classic Miss Universe questions habang kumakain siya nang paborito niyang hilaw na mangga?

Ano naman ang masasabi niya sa mga batang viral ngayon na ginagaya ang pagrampa at pagsagot niya, pati na rin ang mga fan arts at memes na lumabas? At sa street ng Big Apple pa mismo tuturuan ni Cat si Jessica ng kanyang famous lava walk.

Samantala, viral ngayon ang isang restaurant na nagbebenta ng liempo dahil sa menu nila, na rated SPG daw. Pero sa totoo lang, maraming mga pagkain sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang nakakatakam at kumikiliti ng imahinasyon ang pangalan at the same time gaya na lang ng Poqui Poqui, Ginisang Kabatiti at Adobong Utong ng mga Ilokano.

Isang bata naman sa Iloilo ang kaya raw magbasa kahit nakapiring ang kanyang mga mata. Saan nanggaling ang “superpowers” niya?

Nagpapadagdag sa kahiwagahan ng isla ng Siquijor ang usap-usapan tungkol sa diumano’y ghost ship na lulubog lilitaw tuwing hatinggabi sa kanilang karagatan. Kung dati’y laman lang ito ng mga kuwentong bayan, sa kauna-unahang pagkakataon nakunan ito ng video ng KMJS team! At ngayong Linggo, iimbestigahan ito ng paranormal expert na si Ed Caluag.

Tunghayan din ang kahanga-hangang kuwento ng pag-asenso ni Milaine na dating tagalampaso ng sahig pero ngayo’y milyonarya na!

Relate na relate naman daw si Patrick sa love story nina Boyet at Aubrey sa hit drama series na My Special Tatay. Si Patrick kasi, nagmahal din daw ng prostitute—si Abegail. Katunayan, kahit pa sabihin daw ng iba na pokpok ito, iniharap pa rin niya ito sa dambana.

Ang ilang mangingisda naman sa Camarines Sur ay may natagpuan daw na ambergris o suka ng balyena na puwedeng umabot ng milyon o bilyon pa ang halaga. In demand kasi ang ambergris abroad dahil ginagamit itong pampatagal ng scent ng mga pabango. Ito na nga ba ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan?

Tutok na sa award-winning magazine show at 2018’s most-watched GMA program—ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Linggo ng gabi pagkatapos ng Studio 7 sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending