Dyowa ni Paulo Avelino bibida sa sports channel ng TV5

By Jun Nardo January 12,2019
share this

Dyowa ni Paulo Avelino bibida sa sports channel ng TV5

By Jun Nardo January 12,2019
share this


ISASABAK sa hosting ang Filipino-Australian model na girlfriend ni Paulo Avelino, si Jodie Tarasek ayon mismo kay Chot Reyes, President at CEO ng TV5.

Si Jodie ang nagsilbing host sa ginanap na relaunching ng sister channel ng TV5 na Aksyon TV, na magiging 5 Plus na simula sa Jan. 13, Sunday.

Ayon kay Jodie nang makausap ng entertainment press bago ang 5 Plus launch, ipauubaya na lang muna niya ang pag-arte kay Paulo dahil wala pa siyang alam sa larangan ng acting. Pero she’s not closing her doors sakaling magkaroon siya ng chance at kung handa na siya.

At kahit may anak na si Paulo (si Aki, anak niya kay LJ Reyes) wala itong isyu, dahil para sa kanya,

napakabait at napaka-thoughtful ng aktor bilang boyfriend, “He’s great! He’s great.”
Two years na ang relasyon nila Paulo at kahit may anak na nga ito, “That doesn’t make him any less of a good person,” saad ni Jodie.

Samantala, ang 5 Plus ay extension ng mga sports shows na napapanood sa TV5. “Giving it more airtime Giving it a home specifically esports, bike sports. Extreme sports,” saad ni Chot Reyes.

Tuloy pa rin daw ang teleradyo nila pero maiiwan ang radio at ang video part nito ay ilalagay naman sa Cignal.

May mga nakahanda na ring mga bagong programs ang TV5, pati mga Hollywood shows pero sa 5 Plus ay wala na ang mga ganoong klase ng programa.

Isasabay ang relaunch ng Aksyon TV/5 Plus sa opening ng PBA season sa darating na linggo at inaasahang magiging star-studded din ito. Abangan kung sinu-sino ang mga sikat na celebrities at beauty queens na magsisilbing muse ng mga koponan.

“Ganoon talaga naman ang PBA, star-studded lalo na kapag opening!” diin ni Chot.

Kumusta naman ang income ng TV5 last year? “Very good! We actually improved our bottomline ng 30 percent! It was a very good year for us!” diin ni Chot.

Samantala, magiging host ng sports event ng TV5 si Jodie at pipirma na siya ng kontrata sa mga susunod na araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending