Aktor walang respeto sa magulang ng dyowang singer-actress

By Cristy Fermin January 12,2019
share this

Aktor walang respeto sa magulang ng dyowang singer-actress

By Cristy Fermin January 12,2019
share this


AYON sa kanyang mga kaibigan ay nagising na rin sa wakas sa katotohanan ang isang kilalang singer-actress para hiwalayan ang kanyang boyfriend na male personality.

Matagal na siyang pinagpapayuhan ng mga kaibigan niyang nagmamalasakit na hiwalayan na ang aktor, pero humahanap pa kuno siya ng tiyempo, hanggang sa dumating na nga ang tamang panahon.

Kuwento ng aming source, “Kontra ang family ng girl sa boyfriend niya. Ayaw na ayaw nila sa guy dahil totoo naman kasing kaayaw-ayaw siya! Wala siyang respeto sa parents ng girl, wala!

“Ang mahal lang niya, e, ang girlfriend niya, labas sa girl, wala na siyang pakialam! Nuno nang kayabangan ang lalaking ‘yun!” simulang chika ng aming impormante.

Sobra kuno ang bilib ng lalaki sa kanyang sarili. Para bang ito na ang pinakaguwapong anak ni Adan sa balat ng lupa. Sobrang angas kuno ng male personality.

“Alam n’yo bang bihirang-bihirang makita ng parents ng girl ang mokong na ‘yun? Para sa kanya kasi, e, wala siyang pakialam kung meron mang umaayaw sa kanya. Ang mahalaga, e, silang dalawa lang ng girl!

“Susunduin niya ang girl kapag may date sila, hindi ‘yun bababa ng car niya, ni hindi man lang siya nagbibigay-pugay sa parents ng girlfriend niya!

“Basta, nasa car lang siya, nandu’n lang siya, wala siyang time para pumasok sa bahay ng girl para magbigay ng respeto sa mga biyenan niyang hilaw!” dagdag na chika ng aming source.

Wala ring karapatan ang kahit sino na paghintayin ang male personality. Kapag sinabi nitong alas dos, kailangang nandu’n na ang girl, ayaw na ayaw nitong naghihintay sa kanilang usapan.

“Hambog! E, kung sa meron pang mahalagang trabaho ang girlfriend niya, hindi siya puwedeng maghintay? Ano siya, hari? Na ang mga salita, e, hindi dapat nababali?

“Ayun, sa wakas, minahal din ng girl ang sarili niya! Pinakinggan niya rin ang mga friends niyang nagpapayo na hindi deserving ang guy sa pagmamahal na ibinibigay niya.

“Tapos na ang matinding pressure na napi-feel ng girl sa poder ng BF niya. Malaya na siya ngayon, kesehodang wala siyang karelasyon. And she knows now the way to San Jose,” kumakanta-kanta pang pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na! Wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending