Vice: Kakandidato talaga akong pangulo ng Pilipinas, agad-agad!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

Vice: Kakandidato talaga akong pangulo ng Pilipinas, agad-agad!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

VICE GANDA

“KAKANDIDATO talaga akong presidente ng Pilipinas, promise!”

‘Yan ang ibinandera ni Vice Ganda sa isang episode ng It’s Showtime habang nakikipagpalitan ng mga punchline kay Jhong Hilario sa Miss Q&A. Napag-usapan kasi nila ang buhay-politika dahil nga konsehal ngayon ng Makati si Jhong.

Chika ni Vice kay Jhong, “Parang timang ‘to, biglang nagiging serious. Si Jhong naguguluhan na talaga siya kung anong imahe niya – aktor siya, komedyante siya, dancer siya tapos mari-realize niya, ‘ay teka lang, politiko pala ako.’”

Hirit pa niya, “Dalawang eleksyon pa, kakandidato ako, presidente talaga agad.”

“‘Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n — sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakuwenta-kuwenta ang mga bumuboto sa Pilipinas. ‘Pag nanalo pa naman ako talaga,” biro pa ng komedyante.

Dito inamin din ng TV host-comedian na ilang political parties na ang nanligaw sa kanya para tumakbong senador pero tinanggihan niya ito.

“Maraming kumukuha nga sa akin, e. May kumuha sa aking partido (para) sa senador. ‘Sira-ulo ba kayo?’ Sabi, ‘Mananalo ka.’ ‘O, ngayon, ‘pag mananalo, tatakbo?’

“Sabi ko, ‘Buong buhay ko tumatakbo na ako, pagod na pagod na ako ‘no.’ Itigil na natin, ngayon na nga lang ako nagpapahinga,” litanya pa ni Vice na ang tinutukoy nga ay ang bansag sa kanya bilang Pambansang Kabayo ng Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending