GMA minaliit ang planong pagsibak kay Andaya
MINALIIT ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang panawagan na tanggalin si House Majority Leader Rolando Andaya Jr.
Sa panayam ngayong araw, sinabi ni Arroyo na hindi niya alam kung ilan ang kasama ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa panawagan nito na alisin sa puwesto si Andaya.
“Well I don’t know how many congressmen shared that sentiment as far as I can see the majority still supports the incumbent,” ani Arroyo na pumunta sa Sasmuan, Pampanga kahapon.
Kung magkakaroon man ng botohan, sinabi ni Arroyo na iisa lang ang kanyang boto pero si Andaya pa rin ang kanyang iboboto.
“I am only one vote, I’ll vote for Nonoy,” ani Arroyo. “I think Nonoy can take care, I am not an interventionist person on political matters.”
Nanawagan si Villafuerte na palitan si Andaya dahil sa mga pahayag nito kaugnay ng budget.
Ang anak ni Villafuerte na si Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte ang kalaban ni Andaya sa pagkagubernador sa 2019 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.