4M deboto lumahok sa Traslacion–pulis | Bandera

4M deboto lumahok sa Traslacion–pulis

- January 10, 2019 - 04:52 PM

UMABOT sa apat na milyong deboto ang lumahok sa isinagawang Traslacion o ang prusisyon ng Itim Na Nazareno, ayon kay Director Guillermo Eleazar, chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Idinagdag ni Eleazar na umabot sa 1.5 milyong deboto ang sumali sa mga aktibidad bago pa man ang Traslacion mula Disyembre 31 hanggang Enero 8, samantalang 2.5 milyon namang deboto ang lumahok mula Enero 9 hanggang Enero 10, ayon pa sa NCRPO.

Sinabi ni Eleazar na umabot ng 21 oras at pitong minuto ang Traslacion matapos namang umabot sa 6.1 kilometro ang rutang dinaanan nito.

“They (devotees) owned this activity or program. Naging maayos dahil sa lahat ng concerned agencies ay ginawa ang kanilang mga assignment,” ayon pa kay Eleazar.

Umabot naman sa 7,200 pulis ang ipinakalat para matiyak ang seguridad ng mga lumahok sa Traslacion, ayon pa kay Eleazar.

“Andito ang kapulisan [for] more than one day na walang palitan ng uniporme, walang tulugan, walang pahinga. I would like to commend ang ating kapulisan,” sabi pa ni Eleazar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending