Bong sasabak uli sa 2019 MMFF, type maging leading lady sina Pia, Maine at Vice Ganda

By Jun Nardo January 11,2019
share this

Bong sasabak uli sa 2019 MMFF, type maging leading lady sina Pia, Maine at Vice Ganda

By Jun Nardo January 11,2019
share this

BONG REVILLA

KINUMPIRMA ni former Sen. Bong Revilla, Jr. na tuloy na ang pagsa-submit nila ng entry para sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Inihayag ito ng senador sa welcome/thanksgiving lunch na ibinigay nina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Maceda para sa kanya kamakalawa.

Kaya ang tanong ng entertainment press kay Bong ay kung sino naman ang napipisil niyang leading lady para sa isa-submit nilang MMFF entry. Ang unang sumagot ay ang kapatid niyang si Andeng Bautista Ynares, gusto niya raw sana ay si Vice Ganda.

Para naman kay Bong, puwede niyang kuning leading lady si Pia Wurtzbach o si Maine Mendoza, “Magagaling silang artista!” saad ni Bong.

Pero bago ang film festival, aasikasuhin muna niya ang muling pagtakbo bilang senador ngayong Mayo.

Nu’ng una ay atubili siya pero nang ipakita ng asawa niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado ang resulta ng isang survey kung saan pumasok siya sa Top 10 ay lumakas ang loob niya na tumakbo uli.

Ito ang nagpabago sa kanyang isipan para ituloy ang sinimulang laban bago nakulong nang apat na taon sa Camp Crame.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending