Vice: Tandang-tanda ko pa noong pumasok kami sa kwarto ni Regine!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

Vice: Tandang-tanda ko pa noong pumasok kami sa kwarto ni Regine!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

VICE GANDA AT REGINE VELASQUEZ

BINALIKAN ni Vice Ganda ang araw na nakapasok siya sa bahay at sa mismong kuwarto ng kanyang idolo na si Regine Velasquez.

Alam naman ng madlang pipol na die-hard Reginian ang Unkabogable Star kaya isang dream come true para sa kanya ang makasama si Regine sa isang bonggang-bonggang Valentine concert sa Araneta Coliseum.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Vice na hinding-hindi niya malilimutan ang na-experience niya nang yayain siya ng Asia’s Songbird sa bahay nito kasama ang kaibigan niyang si Anton Diva na kilala ring impersonator ni Regine.

“‘Yung first time na makita ko siya in person, sa mga concerts niya. ‘Yung unang big concert niya na pinanood ko, ‘Retro’ sa Folk Arts Theatre. Tapos nandu’n din ako sa concert niya sa Sunken Garden. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan fan ako ni Regine tapos pinapunta niya kami nila ni Anton sa bahay niya, pinagsukat niya kami ng mga damit niya.

“That time, magka-size pa kami. Ang payat-payat ko pa. E, ngayon mamang-mama na ako eh. Hindi ko na kayang isuot ‘yung mga damit niya. Pinasuot niya ‘yung mga damit niya tapos pinasukat niya, tapos sabi niya, ‘Kung alin ‘yung kasyang sapatos sa inyo diyan, iuwi n’yo,” ani Vice.

Pagpapatuloy niya, “Mangiyak-ngiyak ako kasi ang laki ng paa ko. Size 10 ako. Si Anton nagwagi sa mga damit niya. Pero ako sobrang laking bagay na sa akin na nandoon ako. Hanggang sa kwarto pinapasok niya kami. ‘Yung fan ha, pinapasok niya sa bahay tapos pinapasok sa kwarto.”

Tinawag naman ni Regine si Vice na isang “superstar”, “Superstar talaga. One of the biggest stars we have here. Like I said I’m very, very proud of Vice ‘yung mga nai-contribute niya sa industriya natin.

Napakalaki na ‘yun. Natutuwa ako na ngayon magkasama kami. Hindi na siya fan, alam mo ‘yun?”

Singit naman ni Vice, “Fan pa din. I will forever be your fan. I will forever be excited to watch you, to see you, to hear you sing, to watch your performances. I will forever be a Regine Velasquez fan.”

Chika pa ng Songbird, “Pero alam mo sweet talaga ‘to, eh. Like natatandaan ko ‘yung ‘Silver’ (conert).

‘Yung sa MOA, ‘yung nawala ‘yung boses ko. Parang nakikiiyak sila lahat sa akin. Parang awang-awa sila sa akin. I’m just as excited to be working with Vice. Nai-imagine ko na ‘yung mga kalokohang gagawin namin sa stage. Mag-eenjoy kayo sa kantahan, mag-eenjoy kayo sa tawanan.”

Promise naman ng It’s Showtime host, “Once in a lifetime ‘to since ito nga ‘yung biggest dream ko. I will make sure na ito ‘yung isa sa pinakamalaking pangyayari sa buhay ko. Kaya sisiguraduhin kong magiging maganda ‘yung concert na kasama ko si Regine Velasquez kasi ‘di ba hindi ko alam kung kelan to ulit mauulit. Chance of a lifetime ko ito na makasama ko si Regine.

“Kapag nag-uusap nga kami sabi ko, ‘You’re not just my idol, you’re my hero’ kaya malaking bagay sa akin ito. At saka hindi lang ako ang nag-aabang nito, ‘yung sangkabaklaan masayang-masaya ito, eh.

Parang gay pride moment,” chika pa ni Vice sa nasabing panayam.

Nape-pressure ba si Regine sa concert nila ni Vice? “More than the pressure, it’s ‘yung fun ‘yung iinisip ko na the whole time tumatawa lang ako. ‘Yung problem ko lang mamamalat ako kakatawa. ‘Yun lang poproblemahin ko. Kasi ito ‘pag magkasama kami tawa lang ako ng tawa eh. Sa pictorial pa nga lang ‘di ba parang tawang-tawa na ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending