Maine perfect role model ng mga kabatan: Matalinong babae, matapang, totoong tao

By Jun Nardo January 10,2019
share this

Maine perfect role model ng mga kabatan: Matalinong babae, matapang, totoong tao

By Jun Nardo January 10,2019
share this


SA nakaraang episode ng GMA News TV talk show na Mars, pinuri ng isa sa mga host na si Suzi Entrata Abrera ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Sa isang segment ng show, ilalarawan nila ang taong nasa litrato na makukuha nila at ang photo nga ni Maine ang napunta kag Suzi.

Sabi ng TV host, hinahangaan niya ang pagiging matapang, totoo, good influencer, mabuting tao at isang role model ng dalaga.

“I will ask her kung paano gamitin ang influence na ‘yan para mag-spread ng good vibes!

“Kasi si Maine, minsan, nabiktima rin ng bad vibes. So I think finally with her, stating things, ‘Guys, tama na yan. Parang enough is enough.’ And using her influence na para bang, ‘ano ba talaga ang gusto natin sa mga artista? Ano talaga ang pakay natin?’

“I think she’s a role model, good person, matapang, matalino, maganda saka huwaran. Mag-a-ask ako ng advice sa kanya. Good vibes kasi from there on, maganda na ang araw ng lahat ng tao. Walang palaaway Good vibes!” pahayag pa ni Suzi.

Samantala, tuloy ang panawagan at pagdarasal ng AlDub fans na sana’y sina Maine at Alden Richards na nga ang magtambal sa Pinoy version ng hit Korean series na Descendants of the Sun.

Sana raw ito na ang regalo ng GMA sa kanila ngayong 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending