Tony maswerte pa nga kahit nambastos sa immigration…
MARAMI kaming kaibigang dekada nang naninirahan sa Sydney, Australia. Du’n na sila namuhay nang maraming taon kasama ang kanilang mga pamilya.
Siyempre’y nakarating na sa kanila ang kuwento tungkol sa engkuwentro ni Tony Labrusca sa mga opisyales ng Immigration. Masuwerte pa rin daw si Tony, sabi ng aming mga kaibigan, dahil hindi siya na A to A.
Kuwento ni Lina Valdez, kaibigan-kaklase namin nu’ng kolehiyo, “Sa Immigration dito sa Sydney, napakalaki ng notice na nakapaskel sa palibot ng Immigration.
“Ang nakalagay du’n, hindi mo puwedeng bastusin, sagut-sagutin at pagtaasan ng boses ang mga Immigration officers dahil kung gagawin mo ‘yun, hindi ka na papapasukin.
“Denied entry ka na, mae-airport to airport ka, dahil sa ginawa mong pambabastos sa Immigration officer. Mahigpit dito, hindi puwede ang ginawa ni Labrusca, masuwerte pa rin siya,” komento ng aming kaibigan.
Sa Sydney rin nagpalipas ng bakasyon nu’ng nakaraang Pasko at Bagong Taon ang pamangkin naming si Ferdie de Leon at ang kanyang misis na si Jojo.
Nandu’n ang kanilang anak na chef na si EJ, ginagawa na nilang Quiapo ang Australia, at pinatunayan ng aming pamangkin na totoong-totoo ang sinabi ni Lina Valdez.
“Talagang denied entry ang kahit sinong nambastos, sumagut-sagot nang pabalang sa Immigration officer. Hindi ka papapasukin. Mas maluwag pa nga dito, pinapasok pa si Tony Labrusca,” reaksiyon ng aming pamangkin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.