Jo Berry nagpaka-fan girl kina Wendell at Antonio | Bandera

Jo Berry nagpaka-fan girl kina Wendell at Antonio

|January 10,2019
facebook
share this

Jo Berry nagpaka-fan girl kina Wendell at Antonio

- January 10, 2019 - 12:30 AM


HINDI pinalagpas ng Onanay lead actress na si Jo Berry ang pagkakataon na makapagpa-picture sa dalawang Kapuso actor na matagal na niyang hinahangaan at pinanonood sa TV.

Hindi maiwasan ni Jo na magpaka-fangirl nang pareho niyang makasama sina Wendell Ramos at Antonio Aquitania.

Pumunta kasi si Antonio sa taping ng Onanay para dalawin ang kaibigang si Wendell. Tapos na kasi ang mga eksena ni Antonio sa seryeng Ika-5 Utos kaya maaga siyang nakaalis sa taping.

Ayon kay Onay (karakter ni Jo sa Onanay), bilib na bilib siya sa dalawang Kapuso actor dahil hanggang ngayon ay mukha pa ring bata ang mga ito, parang hindi raw tumanda dahil ang guguwapo at fresh na fresh pa rin.

Nag-post si Jo ng litrato nilang tatlo sa Instagram na may caption na, “Nagpa-picture talaga ako don sa dumalaw sa set kahapon. Pinapanood ko silang dalawa sa Bubble Gang nung bata pa ako, parang ‘di naman sila tumanda.”

Samantala, mas umiinit pa ang mga eksena sa GMA Telebabad series na Onanay ngayong tuliro na si Onay kung nasaan na ang anak niyang si Natalie (Kate Valdez) matapos itong maglayas. Mahanap pa kaya niya ang nagrerebeldeng anak?

Ito’y matapos namang magalit si Helena (Cherie Gil) kay Natalie dahil pumayag na ito na magpa-DNA test para malaman kung si Onay nga ba ang kaniyang tunay na ina.

At dahil alam ni Helena na huli na ang lahat, hindi niya hahayaang makuha ni Onay ang nawalay na anak kaya gagawa siya ng paraan para mailayo ito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending