Hashtag Mccoy nagpatotoo sa ‘himala’ ng itim na Nazareno | Bandera

Hashtag Mccoy nagpatotoo sa ‘himala’ ng itim na Nazareno

Bandera |January 09,2019
facebook
share this

Hashtag Mccoy nagpatotoo sa ‘himala’ ng itim na Nazareno

Bandera - January 09, 2019 - 02:29 PM

KAHIT may taping ngayon ang Hashtag member at Kapamilya star na si Mccoy de Leon, pipilitin pa rin niyang makahabol at makasama sa Traslacion.

Isa si Mccoy sa mga kilalang celebrity na deboto ng Poong Nazareno ng Quiapo.

Ayon sa binata, ilang taon na rin siyang namamanata sa Itim na Nazareno sa paniniwalang pakikinggan ng Diyos ang kanyang mga kahilingan.

“Ipinagdasal ko po magkaroon lang ako ng simpleng project lang talaga o kaya simpleng work na mabubuhay ko ang pamilya ko,” pahayag ni Mccoy sa isang panayam.
Ngunit hindi lang ang simple niyang dasal ang nagkatotoo dahil sobra-sobra pa ang blessings na dumarating sa buhay niya.

“Hindi ko po naidasal itong sobra-sobra na naibigay sa akin na mabigyan ng movie, ng teleserye. Thankful po talaga ako at masasabi ko na totoo po talaga at walang masama na maniwala,” pahayag ni Mccoy.
Ngayong taon, talaga raw gagawa ng paraan ang binata para makahawak siya sa Black Nazarene kahit pa may kailangan siyang tapusin na trabaho.

“Baka may taping ako. Pero baka after taping lumusong ulit para lumapit hanggang saan kaya lumapit,” aniya pa.

Panalangin ni Mccoy, sana’y mas maging matatag pa ang faith niya sa Diyos at mabigyan ng chance na maibalik sa Poong Nazareno ang lahat ng ibinibigay na blessings sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending