Horoscope, January 08, 2019 | Bandera

Horoscope, January 08, 2019

Madam Sophia |January 08,2019
facebook
share this

Horoscope, January 08, 2019

Madam Sophia - January 08, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa. At ganito nga ang magaganap ngayong 2019, mapupunta sa iyo ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran, basta’t magtiwala ka lang lagi sa Poong Maykapal! Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung ang iba ay nagsisikap para suwertehin ang sa iyo ay kakaiba. Sa taong ito ng 2019, kahit hindi ka magsikap, maraming magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan. At kapag naubos, muli itong daragdagan at pararamnihan pang lalo ng langit. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Kaya sa taong ito ng 2019 laging maglinis ng bahay at salid. Kapag in love ka, ganoon din ang mangyayari, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sa iyo sa taong ito ng 2019. Sa pag-ibig, okey ang kapartner na Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung laging magsusuot ng green anuman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. Sa pinanasyal, may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masayang relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dapat kang maghanap ng extra na pagkakakitaan para mas mabilis na lumago ang kabuhayan. At kapag marami ka ng pera, ipatupad ang operation hinay-hinay lang sa pagasta. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi at lalong sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang iyong ginagawa, hindi ka dapat mang-api at hindi ka rin dapat apihin. Lagi ka lang lumagay sa tama at ipayapa ang isipan. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng masayang pamumuhay. Mapalad ang 6, 12, 18, 23, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Beige at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ng 2019 ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita, babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Dahil malamig ang panahon ngayon uso ang sakit. Para maiwasan ang karamdaman, bumili at kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Sa ganyang paraan, mas magiging malusog ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2019 panatiliin ang positibong isipan. Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako…. Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2019 wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang suyuan at mas malaking kita ng salapi ang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit.” Silver at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending