Elisse Joson: Parang ang sarap-sarap maging totoo at malaya
SEVEN years na sa showbiz si Elisse Joson kaya naman parang birthday gift na sa kanya ang showing ng “Sakaling Maging Tayo” na pinagbibidahan nila ni McCoy de Leon on Jan. 16.
Nag-birthday si Elisse a day after the mediacon for the movie.
May pressure ba sa kanya na finally ay ilo-launch na sila ni McCoy as a loveteam? “Siguro iyon ang naiisip ko kasi after three successful films na inilabas ng Black Sheep ay kami po ang sunod (na ipalalabas) tapos opening salvo pa (for 2019). It will be a big, big opportunity for us kung okay ang kalalabasan,” she said.
She felt that the millennials can relate with the movie’s premise about two friends na on the verge na sa pag-amin na mahal nila ang isa’t isa.
“Actually po, kahit hindi millennials, marami ring mga katulad ni Laya na padalos-dalos ang desisyon, hindi iisipin kung ano’ng mangyayari basta gusto lang niyang gawin ay gagawin niya so I think madaming makaka-relate,” she said.
For Elisse, she love the “spontaneity, ‘yung carefree living” ng kanyang character.
“Parang ang sarap-sarap na maging siya,” she said.
The movie is also about “doon sa sa mga taong gustong mag-explore at the same time ‘yung mga tao din na may problemang pinagdadanaan. Hindi nila alam kung tatakbuhan ba nila o haharapin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.