Alden sa Pinoy version ng Descendants of the Sun: Sana nga kami ni Maine ang mapili | Bandera

Alden sa Pinoy version ng Descendants of the Sun: Sana nga kami ni Maine ang mapili

Jun Nardo |January 08,2019
facebook
share this

Alden sa Pinoy version ng Descendants of the Sun: Sana nga kami ni Maine ang mapili

Jun Nardo - January 08, 2019 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

SASABAK muna sa series of international shows si Alden Richards simula sa darating na Holy Week bago simulan ang bago niyang teleserye sa second o third quarter ng 2019.

“Wala pa pong concept. There’s an idea po for a movie pero nasa planning process pa rin,” pahayag ni Alden nang makausap ng entertainment media sa kanyang pa-thanksgiving lunch na ginanap sa pag-aaring Conchas Garden last Sunday.

Magbubukas na rin ang franchise ng food chain na kanyang ineendorso located sa Biñan, Laguna.

Ito na raw ang magsisilbing 27th birthday gift niya sa sarili.

“Probably April. We’re eyeing for an Easter Sunday opening,” saad ng Pambansang Bae.

Ayon pa kay Alden, pangarap lang ng kanyang pamilya ang magkaroon ng franchise ng nasabing food chain pero ngayon ay natupad na nga dahil na rin sa kanyang kasipagan at pagpupursige sa buhay.

“Sabi ko, one day magkakaroon din kami dahil we’re avid fans of the restaurant. So we’re very happy. Pero siyempre, hindi pa rin ako makapaniwala na matutupad lahat ng ito.

“Nu’ng ongoing ang construction at nakita ko ‘yung takip, doon lang nag-sink in na magkakaroon na talaga kami ng restaurant,” rason niya.

May franchise din ng ineendorso nilang food chain si Maine Mendoza at ibinahagi rin nito sa kanya na good business ang food.

“Bukod kay Maine, even my friends, they really encouraged me to do franchising kasi walang talo,” diin niya.

Siya ang owner-operator nito at ang bunsong kapatid na babae ang magma-manage.

Kung hindi kami nagkakamali, silang dalawa lang ni Meng ang mga batang artista ngayon na may franchise ng sikat na food chain.

“Dumaan kami sa process for being a franchisee. Walang special treatment,” sey pa ni Alden.

“Basta ang sabi lang sa akin ni Maine, masarap pero mas marami ang hirap along the way. Kasi sister din ni Maine ang nagma-manage. So ‘yun lang po ang in-orient niya sa akin,” pahayag pa ni Alden.

Pagdating naman sa hiling ng mga fans na maging bida siya at si Maine sa Pinoy version ng Korean war drama na Descendants of the Sun, “Hindi ko pa rin po alam. Sana po. Sana kami ni Maine. Pero as of the moment, wala pa pong final word sa soap opera,” tugon ni Alden.

Natanong din ang Pambansang Bae tungkol sa kumakalat na balita na may secret girlfriend daw siya, itinanggi niya ito kasabay ng pagsasabing single pa rin siya hanggang ngayon.

Wala raw siyang itinatagong karelasyon sa publiko at kung magkakaroon man daw siya ng girlfriend magiging proud siya rito at ibabandera sa buong mundo, “Sa ngayon po, fake news.”

Napakaraming dapat ipagpasalamat ni Alden sa nagdaang taon dahil tuluy-tuloy ang pagdating ng mga blessing sa kanyang personal na buhay at career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga wala na raw siyang mahihiling pa sa Diyos dahil naging halos lahat ng mga ipinagdasal niya noon ay isa-isang natupad, kabilang na riyan ang mabigyan ng magandang future ang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending