Mayabang na aktres imbiyerna sa mga maid na nagsusuot ng fake | Bandera

Mayabang na aktres imbiyerna sa mga maid na nagsusuot ng fake

Cristy Fermin |January 08,2019
facebook
share this

Mayabang na aktres imbiyerna sa mga maid na nagsusuot ng fake

Cristy Fermin - January 08, 2019 - 12:15 AM


SIMPLENG mayabang. Ganu’n kung ilarawan ng mas nakararami ang isang pamosong female personality na ayaw magpakabog kahit kanino.

Kailangang siya lang ang may ganu’n at ganito, ayaw niyang may kamukha ang kanyang mga gamit, as in ayaw niya talaga.

Halatadong inis na inis ang may kayabangang babaeng personalidad kapag nakikita niyang meron din palang ganu’ng gamit ang isang artista.

Kuwento ng aming source, “Kahit hindi personal belonging ang involved, she wants to be unique. Gusto niya, e, siya lang ang may ganu’ng design.

“Nu’ng magpunta siya sa isang malaking showroom ng mga kagamitan sa CR, ang una niyang tanong, ‘May mga personalities din bang bumibili dito?’

“Nu’ng sabihin ng sales lady na meron, ang kasunod niyang tanong, ‘So, hindi lang pala ako ang meron ng mga stuff that I will buy?’

“Sabi naman ng girl, magkakaiba naman ang designs nila. Kunwari na lang sa tiles, napakaraming pagpipilian. Pero sinigurado muna ni ____ (pangalan ng simple lang, pero may kayabangang female personality) na sa mga pipiliin niyang disenyo, e, siya lang ang meron!

“Ayaw niya talagang may katulad siya, para bang isang napakalaking krimen na kapag ang nabili niyang kagamitan, e, may kamukha pala lalo na kung artista ang meron nu’n!

“Grabe ang babaeng ‘yun! Kunwari pa, e, simple lang siya, pero saan ka, ubod siya nang yabang!” simulang kuwento ng aming source.

Banidosa siya, lahat na lang, malaking isyu para sa kanya. Kahit sa kanyang mga tsinelas, ayaw niyang may nakakatulad, kahit pa peke lang naman ang suot ng nakikita niya.

“Kaya ba namang bumili ng branded ng mga kasambahay? Original ang sa kanya, fake lang ang sa iba, pero ayaw niya pa rin sa ganu’n! Kailangang iba ang sa kanya, iba rin ang sa mga maids!

“Ganu’n siya kasimple, pero mayabang! Nakakapeke ang kasimplehan niya, ha? Aakalain mo talaga na very humble siya, pero saan ka, ayaw niyang may nakakamukha ang mga kagamitan niya!

“Du’n naman siya binubuwisit ng isang female personality na hindi niya type, di ba naman? Buti nga sa kanya!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala ba kayong puso para gayahin ang ganu’n?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending