Michael Angelo malaki ang utang na loob kay Dingdong; gagawa ng 2 pelikula, variety show | Bandera

Michael Angelo malaki ang utang na loob kay Dingdong; gagawa ng 2 pelikula, variety show

|January 08,2019
facebook
share this

Michael Angelo malaki ang utang na loob kay Dingdong; gagawa ng 2 pelikula, variety show

- January 08, 2019 - 12:30 AM


KUNG may isang taong pinagkakautangan ng loob ng TV host-comedian-producer na si Michael Angelo Lobrin, ‘yan ay walang iba kundi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa nakaraang presscon para sa 13th season ng longest-running sitcom sa GMA News TV na #MichaelAngelo: The Sitcom na magsisimula na sa darating na Jan. 27, sinabi ni Michael Angelo na isa si Dingdong sa mga unang nagtiwala sa kanya at nagbigay ng opportunity sa mundo ng telebisyon.

Kuwento ng dating seminarista, matagal na niyang kilala si Dingdong at saludo siya sa kabutihan ng puso nito. Nagkasama sila sa primetime series ng GMA noon na Pari ‘Koy na idinirek ng isa pa niyang malapit na kaibigan, ang yumaong Maryo J. delos Reyes.

“Bukod po doon sa Pari ‘Koy si Dingdong po ay talagang matagal na kaibigan ko po yan. Binigyan niya po ako ng opportunity, ipinasok niya ako sa Pari ‘Koy at marami kaming programa na magkasama kami ni Dingdong at sobrang nagpapasalamat ako sa kanya sa opportunity at pagkakaibigan,” pahayag pa ni Michael Angelo na isa ring magaling na inspirational speaker.

Naikuwento rin niya sa press ang napag-usapan nila ni Dingdong tungkol sa plano sana nitong pagpasok sa mundo ng politika, “Napag-uusapan namin ni Dingdong ‘yan. In fact, pumasok ho siya sa survey.

“Biniro ko siya na mag-declare ka lang pasok ka sa Magic 12, but sabi ko sa kaniya, running for public office is always a discernment of the heart. Is your life really leading towards that?

“So sabi ko kay Dingdong, ‘Kung ano man ang maging desisyon mo in the near future at the end of the day it’s between you and your God. So search for the heart, darating naman yan eh. Ako kasi naniniwala ako pag diyan ka, diyan ka,’” aniya pa.

Kung matatandaan, nagsalita si Dingdong na hindi na muna siya tatakbo sa 2019 dahil mas pinili niyang pagtuunan muna ng pansin ang pagbubuntis ng asawang si Marian Rivera.

q q q

Samantala, sa Jan. 27 na magsisimula ang season 13 ng #MichaelAngelo: The Sitcom sa GMA News TV. Kasama pa rin ni Michael sa programa sina Derrick Monasterio, Betong Sumaya, John Feir, Maey Bautista, Arny Ross, Lovely Abella at marami pang iba.

Ano nga ba ang mga bagong aabangan ng viewers sa season 13 ng kanilang sitcom, “Siyempre po mga bagong katatawanan, bagong kuwento na talagang kaibigan ng mga sitcom followers at siyempre mga karakter na magbibigay buhay sa mga katotohanan ng buhay at inspirasyon.”

Ibinalita rin ng TV host-comedian ang plano niyang gawing variety-game show ang #MichaelAngelo para naman makapag-share ng blessings sa ibang tao. Lilibutin nila ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para mamahagi ng saya at papremyo.

Bukod dito, may gagawin din siyang Lenten Drama Special kasama ang co-stars niya sa #MichaelAngelo at nakatakda na ring simulan ang shooting ng dalawang pelikulang ipo-produce niya.

Kasabay din ng announcement para sa season 13 ng kanilang sitcom, ibinandera rin ni Michae Angelo ang bago niyang negosyo – ang pagbebenta ng pinag-uusapan na ngayong Simply Suka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, nakabenta agad siya ng 50,000 bottles matapos itong i-launch late last year. Plano niyang mag-expand pa this year dahil maglalabas din siya ng iba pang condiments. Hindi raw niya ito ibinigay sa malalaking supermarket at ginawang direct selling para mas maraming ordinaryong Pinoy ang kumita.
For inquiries, call lang kayo sa Michael Angelo Productions (0917-8375565) or e-mail: [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending