Kris: Please God, gusto ko lang mabuhay hanggang mag-18 si Bimb | Bandera

Kris: Please God, gusto ko lang mabuhay hanggang mag-18 si Bimb

Ervin Santiago |January 07,2019
facebook
share this

Kris: Please God, gusto ko lang mabuhay hanggang mag-18 si Bimb

Ervin Santiago - January 07, 2019 - 12:10 AM

kris

ISA-ISANG sinagot ng mga abogado ni Kris Aquino ang mga naging depensa ng kinasuhan niyang dating business partner, kabilang na ang si-nabi nitong P9 million na utang sa kanya ng Social Media Queen.

Ayon sa isinumiteng affidavit ni Nicko Falcis, nais lang sirain ni Kris ang kanyang pagkatao at reputasyon kaya siya idinemanda.

Humarap si Kris sa ilang members ng entertainment media kasama ang kanyang mga abogado na sina Atty. Sig Fortun at Atty. Nilo Divina kamakalawa ng gabi para sagutin ang mga paratang ng dati niyang business manager.

Unang nilinaw ni Atty. Fortun ang alegasyon ni Mr. Falcis na may utang pa sa kanya si Kris na bahagi ng komisyon niya sa KCAP, “Noon pa lang dapat umpisa sinabi na niya yan. Nu’ng una naming nakausap ang kanyang abogado at ang kanyang ka-patid na babae, doon na sana ay sinabi na agad nila, ‘Uy, si Ms. Kris Aquino may utang sa kapatid ko na P9 million.

“As early as that time, kung talagang meron siyang claim na ganu’n, dapat yung kapatid at abogado niya mismo ang nagsabi sana noon. Wala pa namang kaso nu’ng panahon na yon – Sept. 27. At walang nag-pressure sa kanila na hindi magsalita. Sa halip ang ginawa nila, delaying tactics,” sabi pa nito.

“Ninety days ang kanyang nakuha at nu’ng napagsarhan na siya, kasi lahat ng imbestigasyon ng kaso ay sarado na, all of a sudden lumabas na siya from his hibernation, from his being in hiding. Dapat ay inihain na niya (Nicko) noon pa kung totoong wala siyang kasalanan,” dagdag pa ng abogado.

Ito naman ang resbak ni Atty. Fortun sa sinabi ni Nicko na pinagbataan ni Kris ang buhay niya, “Kung meron threat sa ‘yo ang gagawin mo lang ay mag-i-execute ka ng affidavit, sasabihin mo kung sino yung nananakot sa ‘yo at ipa-blotter mo. Dalhin mo lang sa closest police station.

“Kung ikaw ay naniniwala na meron ka talagang katibayan at kaya mong depensahan itong mga sumbong laban sa ‘yo, eh, napakadali naman sigurong sumagot, di ba?

“Pero kung ika’y nagtatago sa Thailand at may dahilan ka kung bakit nagtatago, at ayaw mong sumagot at ang ginagawa mo lamang ayon sa iyong abogado ay gumawa lang ng dahilan para hindi ka makadating at ngayong napagsarahan na sila ng investigation, nilalabas nila hindi sa husgado at sa prosecutor’s office kung hindi sa social media,” aniya pa.

Sinabi naman ni Kris na handa na niyang kalimutan ang nangyari pagkatapos niyang makausap ang mga kapatid, “They said, ‘You can earn that money back Krissy. Please release the anger because what we want is for our sister to be healthy. That’s all we want.’

“And sinabi nila sa akin, ‘He did something good in your life, kung meron man kayong hindi napagkasunduan, kung good fate ang pinapakita, then let’s just settle this because we want our sister alive. At nasabihan ako na, ‘Can you please just think of Josh and Bimb.’ Matigas ang ulo ko pero nakikinig ako basta para sa mga ana ko,” ani Kris na tuluyan nang napaiyak sa sobrang sama ng loob.

Handa na rin daw sana niyang patawarin si Nicko noong nagpunta sila sa Japan nitong nagdaang holiday season, “Sa umpisa galit ako talaga. Pero, kasi I promise, there’s this church I really love in Japan at iniwan ko do’n talaga lahat, I promised talaga.

“Sabi ko, nu’ng nagdasal ako, I said doon sa mass na, I just want to be alive until my son turns 18 and I forgive. I can move on and all the lies that they spread about me, kaya kong burahin. All I ask for, please God, ibigay mo lang sa akin talaga na abutan kong 18 years old (si Bimby),” sey pa ni Tetay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, sinabi ng abogado ni Kris na, “Mukha ring tinataymingan nila ang lahat ng ito para magka-stress si Kris, dahil alam nila na may sakit, at yung timing ay talagang malisyoso dahil kritikal ngayon si Kris.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending