K Brosas nagmistulang ‘ginataang tilapia sa petchay’ sa Malaysian spa | Bandera

K Brosas nagmistulang ‘ginataang tilapia sa petchay’ sa Malaysian spa

- January 06, 2019 - 12:30 AM


TAWA kami nang tawa sa “kuwentong spa” ni K Brosas na kanyang na-experience sa Langkawi, Malaysia. Doon nag-celebrate ng New Year ang singer-comedienne kasama ang anak na si Crystal.

Kumuha sila ng spa package sa isang lugar sa Langkawi, Malaysia bilang New Year’s treat sa kanilang mga sarili, at hinding-hindi raw makakalimutan ni K ang naranasan sa nasabing spa clinic.

“So eto na ngaaaaaa… May bago na naman akong kwentong spa.. so ayun na ngaaaaa. Nagpa overhaul spa kami NG anak ko, yung package na para todo. actually ako massage at facial lang hilig ko. Hindi ko masyado bet yung scrub galore at body wrap keme, pero sige na nga.

“Nauna ang massage sa buong production number, weird kc alam ko dapat di ka mabasa after non pero dedma na, Baka bet nila akong mapasma. After massage at facial, na ganap ang kinakatakutan kong scrub. Bigas ata kinuskus sa body ko na may kape. Mejo ginutom ako sa amoy kc parang may pa merienda!

“Nakatakip mata ko kaya nag eemote ako na kunyari ako si Sandra bullock sa pelikulang BIRD BOX (waley yan IMO). Awkward ako pag body scrub kc para akong na vi violate ng Burberry lyt. Minsan kc hanggang uterus ko umaabot yung hagod chos. At nadudunggol sipit sipitan ko, at ang messy (wow!).

“So after ng scrub nilapatan ako ng malapot na ewan tapos nagulat ako kc bigla akong binalot sa dahon ng saging. Natawa ako infer kaya nasabi ko ang ‘pinaputok na plapla’. Syempre di nagets ng therapist dedma na lang din ako pero pinipigilan ko na di tumawa.

“So ayun after akong i marinate, pinalublob ako sa hot flower bath keme don ko nakita na coconut kembular ni lagay sa maalindog kong katawan, kaya natawa na lang ako kc dapat di na muna tinanggal yung nakabalot saken para ako na ang ginataang tilapia sa petchay.

“Anyway, ok naman fresh at bagong barnis ako ngayon. Sensya na nakwento ko lang naman. Bow. #InstaKwento.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending