Mabawi pa kaya ni Vice ang record sa takilya nina Daniel at Kathryn? | Bandera

Mabawi pa kaya ni Vice ang record sa takilya nina Daniel at Kathryn?

Julie Bonifacio - January 04, 2019 - 12:25 AM

VICE GANDA

PATAPOS na ang official run ng mga pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival sa mga sinehan. Kaya ang dapat nating abangan, kailan magri-release ng official box-office result ang executive committee ng taunang filmfest.

Marami kasi siyempre ang curious kung umabot ba sa P1 billion ang total gross ng kinita sa takilya ng walong kalahok. Someone also asked us kung kumita ba ng P1 billion ang pelikula ni Vice Ganda na “Fantastica.”

Natatandaan daw kasi niya ang sinabi ni Vice bago magsimula ang MMFF 2018 na pipilitin nilang kumita ng P1 billion ang kanilang entry. Dahil kung hindi, ang movie pa rin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang may hawak ng record bilang highest box-office record for 2018.

Speaking of KathNiel, hindi sila nakasama sa annual charity gift-giving event na Star Magic Gives Back last December. Apat na institutions ang napili ng Star Magic para personal na dalawin ng kanilang artists upang mag-share ng kanilang time, talent, laughter and gifts.

Ang apat na chosen institutions ay ang Good Samaritan Home for the Elderly sa Marikina, ang Craniofacial Foundation of the Philippines in Manila, Sta. Maria de Mattias sa Marikina at ang Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.

Ilan sa Sta Magic artists na nagbigay saya sa mga batang nasa Bantay Bata Children’s Village sina Piolo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Enzo Pineda at Sharlene San Pedro.

Magkakasama naman sina Maja Salvador, Gerald Anderson, AC Bonifacio, Joi and Jai Agpangan, Lala Vinzon at iba pa ang nagpasaya sa taga-Good Samaritan Home for the Elderly.

Nagpa-games naman sina Sue Ramirez, Nash Aguas, Jairus Aquino, Kitkat, Xia Vigor, Lance Lucido, Hannah Vito, Andrez del Rosario and Erika Clemente sa mga batang nasa Sta. Maria de Mattias.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending