Angel kailangang pumayat agad bago umere ang General’s Daughter

By Ambet Nabus January 02,2019
share this

Angel kailangang pumayat agad bago umere ang General’s Daughter

By Ambet Nabus January 02,2019
share this

ANGEL LOCSIN

INAASAHAN naman ngayong unang quarter ng 2019 eere ang seryeng The General’s Daughter ni Angel Locsin na halos isang taon na yatang nakunan ang maraming eksena.

Kung tama ang feeling namin, mukhang ito ang papalit sa primetime series ng ABS-CBN na Ngayon At Kailanman dahil paspasan na ang mga highlights na ipinala-labas sa serye. Sa itinatakbo kasi ng kuwento nito ay mukhang malapit na nga itong magtapos.

Ayon sa isang cast member ng serye ni Angel na aming nakatsikahan last holiday season, binigyan na sila ng regular taping days kaya’t malamang nga raw na very soon ay ipalalabas na ito.

Yun nga lang, mukhang si A-ngel daw ang kailangang mag-double time sa pagpapapayat dahil bukod sa ang taba na niya ngayon sa screen ay kaila-ngang maging physically fit uli ang dalaga dahil sa mga buwis-buhay na eksena niya sa programa.

Sa personal daw kasi ay medyo payat na si Angel pero nadodoble nga ang timbang ng isang artista kapag humarap na sa mga camera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending