Usec maangas pa sa Secretary; isinusuka ng mga empleyado | Bandera

Usec maangas pa sa Secretary; isinusuka ng mga empleyado

Bella Cariaso - December 30, 2018 - 12:15 AM

DA who ang isang undersecretary na daig pa ang Secretary ng mismong departamento dahil napakaangas at laging ginagawang panghimagas ang pagmumura kaya’t isinusuka ng mga empleyado na kanyang kinabibilangan.

Usap-usapan ang sobrang kayabangan ng opisyal, na hindi pa naman nagtatagal sa kanyang katungkulan buhat nang maitalaga, ay napakarami nang galit dito.

Kung napakamalumanay kasi ng Secretary ng ahensiya ay siya namang ang kayabangan ng undersecretary.

Bukod sa wala namang karanasan para italaga sa kanyang posisyon, feeling know-it-all pa si Undersecretary.

Ang tanging dahilan lang naman kaya’t naitalaga siya ay dahil sa kanyang koneksyon.

Bukod sa ipinangangalandakan ni Undersecretary ang kanya umanong yaman, na kwestiyonable rin kung saan nanggaling, lagi niyang minumura ang mga empleyado.

Wala pa itong ginawa kundi irigodon ang mga dinatnang mga empleyado kahit pa mga regular na mga kawani ng gobyerno.

Kapag hindi niya nagustuhan ang isang empleyado, iliipat niya ito sa ibang attached agency kahit pa may item ang kanyang pinag-iinitan.

Naikukumpara tuloy siya sa Kalihim ng ahensiya na napa-soft-spoken at tahimik lang kung magtrabaho.

Hindi rin magalaw ni Mr. Secretary ang maangas na Undersecretary dahil napakalakas ng kapit nito.

Gusto niyo ba ng clue? Hindi nagtagal sa dating pinanggalingan ang Undersecretary matapos na masangkot sa kontrobersiya.

Hindi rin naman maganda ang reputasyon ni Undersecretary kung saan siya nanggaling.

Isa pang clue, dati nang nagkagulo ang grupong kinabibilangan ng opisyal dahil nag-away-away ang mga miyembro nito at nagkaroon ng paksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yun na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending