Sa wakas, Julia tinawag ng ‘boyfie’ si Joshua, JoshLia fans kinilig Bandera

Sa wakas, Julia tinawag ng ‘boyfie’ si Joshua, JoshLia fans kinilig

Ervin Santiago |December 30,2018
share this

Sa wakas, Julia tinawag ng ‘boyfie’ si Joshua, JoshLia fans kinilig

Ervin Santiago | December 30, 2018 - 12:01 AM

FINALLY, tila kinumpirma na rin ni Julia Barretto ang real score sa pagitan nila ni Joshua Garcia.

Kumalat sa social media ang screenshot mula sa kanyang Instagram Story ang pag-uusap nila ni Joshua. Nakasulat dito ang, “Video calling with a gamer boyfie looks like this.”

Kinilig siyempre ang mga JoshLia fans na naghihintay ng kumpirmasyon sa estado ng relasyon ng kanilang mga idolo. Sa pagkakaalam namin, never pang umamin nang diretsahan ang magka-loveteam.

Sa presscon ng huling movie nila, ang “I Love you, Hater” kasama si Kris Aquino, nag-promise si Joshua na ibabandera nila sa madlang pipol ang kanilang relasyon sa tamang panahon.

Pero kahit hindi naman aminin nina Julia at Joshua ang kanilang relasyon ay naniniwala ang kanilang fans na matagal na silang magdyowa.

Kasalukuyang magkahiwalay ngayon sina Joshua at Julia dahil nasa Amerika ang dalaga para sa holiday vacation ng kanyang pamilya.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending