Revilla family sa ospital nagpasko, Mang Ramon na-confine na naman
NAG-CELEBRATE ng Pasko ang Revilla family sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City. Dito kasi
naka-confine si former Sen. Ramon Revilla, Sr..
Taun-taon ay sa loob ng Revilla Mansion sa Imus, Cavite sila nagse-celebrate kasama ang more or less 70 children ng veteran actor. Hopefully, nakalabas na siya sa ospital for the celebration naman ng Bagong Taon.
Ang anak ni Ramon Sr. na si Bacoor Councilor Rowena Revilla ang nagsabi sa amin during our caroling with the members of the Philippine Movie Press Club kay Bacoor City Mayor Lani Mercado sa gym ng Munisipyo ng Bacoor.
Last year kasi ay si Councilor Rowena pa mismo ang naghatid sa amin sa farm ng mga Revilla kung saan doon mas pinili ng ama nila na mag-stay dahil sa fresh ang hangin at tahimik.
Naluha pa noon si Mang Ramon when we sang in front of him at makita ang mga dating kakilala na veteran writers and past presidents ng PMPC.
Sayang lang kasi kung kailan nakalaya na si Bong Revilla, saka naman na-confine ang kanyang ama.
Nevertheless, okey na rin ‘yun kasi ngayon pwede na niyang dalawin ang kanyang ama sa ospital anytime.
Ibang-iba na rin ang aura ni Mayor Lani nu’ng mag-caroling ang PMPC sa kanya recently. Kita sa mga mata niya ang saya at ‘di na siya umiyak nu’ng kantahan namin ng Christmas song. Unlike last year, talagang ‘di niya napigilang umiyak habang kinakanta namin ang “Pasko Na Sinta Ko.”
Kwento ni Mayor Lani, nag-break in daw muna si Bong nu’ng first week pagkatapos niyang lumabas ng PNP Custodial Center dahil naninibago pa raw talaga ang mister niya, “Ah, meron siyang ano, nagigising siya ng maraming beses sa isang gabi.
“Sabi nga niya, namamahay daw siya. Sabi ko sa kanya, ‘Gusto mo bang bumalik?’ Ha-hahaha! ‘Hindi na pwede. Hindi na pwedeng bumaik,’ sabi ko. ‘Ayaw ka naming bumalik doon,” aniya pa.
May nakakatawa rin siyang kwento tungkol kay Bong, kahit daw nasa loob sila ng bahay ay patago pa rin kung gumamit ng cellphone ang dating senador.
“Tapos tumitingin siya sa paligid kasi may CCTV na ‘yung bahay namin. So, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Wala ka na sa Crame. Ilabas mo na ‘yang cellphone mo.’ Parang nagtatago pa rin siya,” kwento pa ng aktres.
Ibinida naman ni Mayor Lani ang mga naitayo na at magsisimula pa lang na mga proyekto sa Bacoor. Una na ang pending project niya na reclamation sa Bacoor Bay.
Hopefully, masosolusyunan nito ang problema ng baha sa kanyang bayan katulong ang malalaking private sector, “Magkakaroon po ‘yan ng Science Hub, residential buildings at marami pang iba. Tapos we are also building our Bacoor diversion road pagpasok po ng LRT1. We’re preparing our city dahil masasarhan yung Talaba entrance po namin. So, we’re preparing our city,” lahad niya.
Awa raw ng Diyos ay may legacy na siyang maiiwan sa mga taga-Bacoor City, “Plus, siyempre ang gusto sana namin ay mapabalik si Bong sa Senado. Kasi napakaganda ng oportunidad talaga kapag may boses kami sa Senado.
“Kasi kapag may mga national projects kaming nandito, mas madali kaming makahingi ng national projects kasi siya ‘yung nasa Senado. Tapos si (Bacoor City Congressman) Strike naman ‘yung nasa Kongreso and he’s doing a good job.
“So, gaganoon lang po ang teamwork namin. Ah, siguro ‘yun din ang kasagutan ko sa mga katanungan tungkol sa sinasabi nilang dynasty,” esplika pa ni Mayor Lani.
Tao naman daw ang pumipili sa kanila at nakita namin kung ano ang mga ginagawa nila sa Lungsod ng Bacoor.
q q q
Tiyak na very memorable para sa Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang naging experience niya sa parada ng Metro Manila Film Festival 2018.
Inabot kasi ng malakas na ulan ang araw ng parade pero sa kabila nito auly natuloy pa rin kahit mabasa pa siya habang nakasakay sa float ng movie niyang “Mary Marry Me” with Sam Milby and her sister Alex Gonzaga.
Positibo lang ang tingin ni Toni sa maaaring kahihinatnan sa takilya ng movie nila. Knows naman niya na malalaking pelikula rin ang kalaban nila sa MMFF this year.
“Oo, pero hindi ko na iniisip ‘yung malalaking kalaban. Alam mo kapag inisip ko ‘yun, binabalikan lang namin ni Alex ‘yung dream namin nu’ng bata kami na pumipila sa Sta. Lucia para manood ng ‘Shake, Rattle & Roll’ at saka ‘Okey Ka Fairy Ko’ dati.
“So, binabalikan ko lang ‘yun. Tapos ngayon napasama kami sa pagpipilian, more than enough para magpasalamat ako,” pahayag ni Toni.
Almost 10 years daw silang hindi nagkatrabaho ni Sam. At sa set ng “Mary Marry Me” malinaw raw na nagkaroon na sila ng “closure.”
“Hindi naman closure. Pero mas malinaw sa amin. ‘Yung sa amin before, matagal na naming na-sette ‘yun,” diin pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.